SIWMB 42: ❤ LTS-W (2)

2.3K 114 4
                                    

JM P.O.V

" Gumagawa ba ng music video yung dalawang yun " sabi ni Enzo habang nakatingin dun sa dalawang akala mo sila lang yung tao dito sa mundo.

Tss... this school is not a playground.

" Hoy ang tahimik mo. Mukhang may nami-miss ka ata ah " nagtatakang tinignan ko si Enzo.

" si Margarette " dagdag niya.

" a-ah.. oo " actually hindi ko siya nami-miss. I don' t know whats happening to me this past few days only CM I'll always think of.

Ni hindi nga sumasagi sa isip ko si Margarette eh. Weird

Tinignan ko ulit sina CM. Naka-akbay na ngayon sa kanya si Lance habang nag-tatawanan pa. Ang saya nila tignan.

F*ck this feeling! Nagseselos nga ba ako? But why? Why should I get jealous?.

Nakakunot noong tumalikod ako at naglakad na papunta sa kung saan mapadpad.
















CM P.O.V

" Students proceed now to your respective groups. Thank you "
Agd naman kqming natigil ni Lance sa tawanan namin.

" Oh sige Lance, punta na ako sa base namin ah "

" ah sige, pupunta na rin ako. Bye "

Pagkarating ko sa base namin napansin kong wala si JM. Where is he?

tumingin tingin ako sa paligid ko at nakita ko si. Wait sino nga ba to?

Ito yung laging kasama ni Margarette eh.
Crisalyn? Crasilyn? Ahmm..

" ahmm.. Cresilyn?? " yun tumpak! Lumingon kasi siya.

" ah hi. " bati ko

Ngumiti naman siya.

" hello "

" nakita mo ba si JM? Ah I mean si Michael? Nakita mo ba siya? " pagtatanong ko.

" sorry hindi eh. Andyan lang yun sa tabi-tabi " buti na lang hindi mataray itong si Cresilyn hindi katulad ni Margarette tss...

" ganun ba, wait hahanapin ko lang siya ah " tumayo na ako para hanapin siya pero napabalik naman ako ng pagkakaupo ng natanaw ko na siya.

Saan ba nagsususuot tong lalaking to.

Tinanong ko agad siya pagkaupo niya sa tabi ko.

" Saan ka galing Michael? "
Tinignan lang niya ako..

Ano bang tingin yan.

" a-ah Michael. Sabi ko san ka galing? Bingi ka ba? " tanong ko ulit pero imbis na sagutin niya yung tanong ko ay bigla na lang niyang kinuha yung kamay ko at hinawakan. Then tumingin na siya sa may unahan kung saan may guest speaker na nagsasalita.

Anong problema nito?

Napansin ko naman na nakatingin sa amin si Cresilyn. Naku baka makapagsumbong pa to kay Margarette. Lagot.

" M-michael yung kamay ko " pinipilit kong kuhanin yung kamay kong hawak niya pero ang higpit ng hawak niya dito.

" pahawak muna kahit sandali lang "

Hindi na ako nakasagot pa.

Eh kenekeleg kese eke eh. Hehe.

Hindi ko na lang pinansin si Cresilyn na panay ang tingin sa amin ni JM.
Inggit ata. Haha

Iginala ko yung mata ko at nakita kong lahat sila nakikinig dun sa speaker. Woah. As in nakikinig talaga.

" So as I was saying here. Before the activities you need to warm up. Baka mamaya dyan mamilipit yang mga tadyang niyo. Naku sagot pa namin ang pagpapahilot niyo. Hahaha just kidding. " nakakatawa naman pala kasi tong speaker kaya ayun todo listen naman tong mga students.

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon