SIWMB 25: ❤ TOGETHER (3)

2.2K 123 6
                                    

JM P.O.V

" BLUuuuuuuurrrrppp!! "

O_____________O

" CM! Mahiya ka nga! Ang lakas ng dighal mo! "

Pfft hindi na nahiya eh.
Hindi rin naman niya natiis sumama rin sakin. Hahaha basta pagkain. Tsk!

" Heh! Wala akong pake basta ang mahalaga busog na ako pero JM gusto ko pa bili tayo dun! Tara! "

-__________- maghihirap ata ako dito kay CM eh. Busog na nga't lahat gusto pang kumain. Tss... ibang klase. May ahas at ito sa tiyan.

Ibinili ko siya nung itinuro niya. Popcorn. Yung kettle corn ha.

" bakit ganito ang lasa nito JM? Matamis siya pero maalat. Lasang kulangot. "

" itinuro turo mo yan. Tapos ngayon magrereklamo ka ha? At anong lasang kulangot, palibhasa PG ka kaya hindi mo na ma appreciate yung lasa. Ganyan talaga yan! Tss.. Tara nga muna sa park, tutal 5 o'clock pa lang naman. "

Kakakain lang namin pero lakad na naman. Baka magsuka kami nito eh.

" hmp! PG ka diyan! Gutom lang ako no! " hindi ko na siya pinansin at pumunta na ng park.

Pagkarating namin sa park, agad siyang tumakbo dun sa mga nagtitinda ng streetfoods. atbp.

Bahala siya diyan. Di ko siya ililibre.

Umupo muna ako sa mga bleachers na nandun sa park.

Malapit lang ito sa Mall. Actually isa siyang lake, kaya masarap ang hangin dito, marami kang mabibilhan ng mga gamit' marami kang magagawa tulad ng pagba-bike. May nirerentahan kasi ditong mga bicycle at sa halagang 20 pesos. Maiikot mo na itong lugar.

Gusto ko sanang mag bike kaso hindi naman marunong si CM. Ayaw ko naman siya iwan mag-isa dito.

" JM! Tulungan mo naman ako dito! "

O______O

>_________<

Wala ba talagang kabubusugan itong babaeng ito?

Ang daming dala!

Tumayo ako para puntahan siya at kuhanin yung iba niyang dala at umupo ulit kami dun sa inupuan ko.

Pagkarating namin dun agad siyang nagsimulang kumain. The right term is lumapang. Takaw!

May kwek-kwek, isaw, chicken ball, kalamares, fishball, kikiam, squid ball, at palamig na nasa malaking lagayan.

Dapat nasanay na ako kay CM, dati pa naman siyang ganito eh mas lumala lang ngayon.

Kukuha na sana ako pero pinigilan niya ang kamay ko.

" hep hep.! "

" hooray? "

" anong hooray? akin ito! Bumili ka ng sayo! "

" ano?! Eh ang dami dami niyan CM ah! Mauubos mo ba iyan?! "

Sa tingin ko nga tig 10 pcs. yun bawat isa eh, tapos ayaw niyang mamigay? Timawa. Tsk!

Tumayo na ako at iiling-iling na naglakad papunta dun sa mga nagtitinda.

Bumili lang ako ng kwek-kwek, kikiam, isaw at palamig.

Hindi katulad ni CM na binili na ata lahat ng tinda dito. Tss...

Pagkabalik ko dun sa upuan

O_______________O

Paano ba naman. Si CM ubos na agad yung binili niya! Anong klaseng tiyan meron siya?

Umupo na ako at nakatulalang kinakain yung binili ko.
(Meron bang ganun? XD)

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon