SIWMB 40: ❤ ANNOUNCEMENT

2.2K 104 3
                                    

THIRD PERSON'S P.O.V

Isang linggo na ang lumipas at wala namang nabago.

Hanggang ngayon hindi parin malaman ni Charity kung sino ba ang may kagagawan nung post sa A.B ng nakaraang linggo.

Gumaan naman ang loob ni Charity ng mapag-alaman niyang naniwala ang mga estudyante na hindi totoo ang balitang isa siyang flirt at yun ay dahil kay Lance. Ginawa lahat ni Lance para lang malaman ng students na hindi totoo yung nakasulat sa A.B.

Si Lance lagi ang nakasama ni Charity ng mga panahong iyon dahil si JM ay naging busy na ulit ng dumating si Margarette.

Kasalukuyang nasa classroom ngayon si Charity ng biglang pumasok ang kanilang prof.

" Ok class listen, I have announcement. Tomorrow you'll be having your Leadership Training Seminar-Workshop "

Sari-saring reaksiyon ang makikita sa mga estudyante.
May mga masaya at may mga tinamad ang itsura.

" haist, Boring yan! "

" Yes! Matagal ko ng iniintay to. Ang alam ko maraming gagawing Games and Activities dito eh. Weeeeee exciting! "

" shhh.. quiet class! Madami kayong makakasama dito sa Seminar. This workshop can help you to be a good and responsible leader. Kailangan niyong magdala ng mga important things niyo dahil 2 days kayo dito sa school bukas so be prepared. Dismiss "

Isa sa mga excited si Charity dahil may nakapagsabi sa kanyang maganda daw at masaya ang LTS-W.

" Excited nako Cass. Ano kayang mga activities ang gagawin no? " pagtatanong ni Charity sa bestfriend niyang hawak ang cellphone at parang busy sa ka-text niya.

" excited ka sa LTS-W? Eh may sabi sabi dito na boring daw yun bes. Parang ayoko na ngang umattend bukas eh. Tsk. "

Napa irap na lang si Charity sa sinabi ng kaibigan niya.
Iniisip niyang mag-impake na agad ng kanyang mga gamit na dadalhin niya bukas.

.
.
Kasalukuyan ng nag-aayos si Charity ng mga gamit niya para umuwi na.

Pack my things. Pack my things. Pack my things.

Paulit-ulit na salita na nasa isip ni Charity masyado siyang excited sa gaganaping LTS-W.

Ng nasa gate na siya biglang may tumawag sa kanya.
Hinanap niya kung sino yun.

" CM!"

Kinabahan na agad siya kahit di pa niya nakikita ang mukha ng kung sino ang tumawag sa kanya dahil alam naman niyang isang tao lang ang tumatawag sa kanya nun.

bumaling siya ng tingin sa likuran niya at nakita niya si JM na tumatakbo papunta sa kinaroroonan niya.

" Oh JM bakit? " pagtatanong ni Charity kay JM na hinihingal pa dahil sa pagtakbo.

" i-ihahatid na kita pauwi C-CM " hinihingal na sabi ni JM kay Charity

Bigla namang nagliwanag ang mukha ni Charity dahil sa narinig niya and at the same time nangunot rin ang noo.

Bakit niya ako kailangang ihatid?.
Ang nasa isip ni Charity.

" i-ihahatid mo ako? B-bakit? "

Tumingin muna ng seryoso si JM kay Charity bago magsalita. Napabuntong hininga siya.

" baka naman kasi maulit ulit yung nangyari nung last week na late ka ng umuwi kaya tara na. Ihahatid na kita " sabay hila ni JM sa kamay ni Charity.

Pinigilan naman siya ni Charity dahil baka may makakita pa sa kanilang mag kasama, sa ayaw man o sa gusto niya kinakailangan niya na munang umiwas kay JM dahil nga sa nangyari last week. Natakot na siyang muli na malagay ulit sa A.B na may ganoong masasakit na salita ang naka post.

" t-teka Michael. Wag mo na akong ihatid. Ahmm k-kaya ko na " sabi nito ng nakatungo.

Muling napabuntong hininga si JM ng sabihin yun ni Charity. Alam niyang iniiwasan ito ng dalaga dahil nga sa nangyari. Ngunit wala siyang pakialam doon dahil wala naman silang ginagawang masama. Ang mahalaga ay alam niya kung anong totoo.

" CM naman. Last week pa yun at nalinawan na naman ang mga students dito kaya halika na. Mag didilim na oh " wala ng nagawa pa si Charity at nag patangay na lamang kay JM.

" ah nasan si Margarette? Diba lagi kayong sabay umuwi. " pagtatanong ni Charity.

Napatingin naman sa kanya si JM habang naglalakad patungong sakayan. Naisip nilang mag commute na lang.

" May lakad daw sila ng mga kaibigan niya. Hindi nako sumama dahil all girls yun at I have more something to do. Kailangan ko pang mag impake ng mga damit ko para sa LTS-W bukas " sabi nito.

Bakas sa mukha ni Charity ang saya ng marinig niyang kasama si JM bukas.

" ibig sabihin kasama ka rin bukas sa LTS-W? Waaah Michael! Me too.. kasama rin ako " nakangiting sabi ni Charity kay JM

Bahagya ring natuwa si JM sa sinabi ni Charity sapagkat may makakasama na siya para bukas, hindi naman kasi makakarating si Margarette dahil may reunion sila ng mga pamilya niya.

Lagi na lang siyang wala. Isip isip ni JM.

" Buti naman kung ganon. Balita ko laho-laho ang mag kaka-group eh kahit magkaiba ng section " sabi ni JM

" Talaga? Sana mag kasama tayo sa isang group! " nakangiting sabi ni Charity at pumalakpak pa.

Napatawa na lang si JM sa naging reaksiyon niya.

Pumara na ng jeep si JM at agad na silang sumakay. Nag commute muna sila ngayon.
Nag usap lang sila about sa LTS-W habang buma-biyahe.

" ha? Bakit naman? " takang tanong ni Charity dahil napag alaman niyang hindi sasali si Margarette sa LTS-W.

Ngumiti na lamang ng pilit si JM

" may reunion kasi sila. Sayang nga eh, sana makakasama ko siya bukas"

Ibinaling ni Charity ang tingin niya sa unahan para hindi makita ni JM ang lungkot sa kanyang mukha.
Makikita mo ang lungkot sa mukha ni JM ng sabihin niya yun.

" hoy CM! Natahimik ka? " tanong ni JM

" a-ah wala naman. K-kasi, mahal na mahal mo talaga si Margarette 'no? "

Natigilan naman si JM sa sinabing iyon ni Charity. Hindi niya malaman kung anong isasagot.

" O-oo naman, syempre mahal ko siya. " bahagyang ngumiti si JM " Mahal din naman kita. "

Oo, mahal mo ako pero as bestfriend lang. Isip ni Charity.

Tumingin si Charity ng deretso kay JM

" Mahal din kita " walang mababakas na halong biro ang pagkakasabi nun ni Charity. Seryoso talaga siya ng sabihin niya yun kaya bahagyang natigilan si JM at napatingin rin kay Charity.

Agad namang umiwas ng tingin si Charity at gumawa ng alibi.

" ah Michael! Nandito na tayo, salamat sa paghatid ha " sabi ni Charity at bumaba na ng jeep pagkatapos pumara.

Hindi na niya hinintay pang makapagsalita si JM. Dali-dali na siyang pumasok sa kanilang subdivision.

Muntik na! Sa isip ni Charity.


















Tip: walang masama sa pagsasabi ng totoo. Try mo kaya.






















-ellimaCutie

A/N: hanggang dito na lang
         Nagmamahal Camille.

Charot! Hahaha hanggang dito na lang po muna ang update ko. Next week na ulit. Pasensya na 😂
(1117 words)

Xoxo:*

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon