SIWMB 26: ❤ FORGOTTEN

2.3K 109 3
                                    

I dedicate this Chapter to:
@Crazy_moon_rai06
Dahil siya ang unang nag comment sa mga na update ko. Salamat😘

Enjoy this chapter




CM P.O.V

Saktong 8 o'clock na ako nakauwi ng bahay. Medyo may kalayuan kasi ang Mall sa bahay namin. Hinatid ako ni JM kasi malapit lang naman dito sa amin yung kanila halos isang subdivision lang ang pagitan.

Nagpaalam na ako kay JM at umalis na siya.

Pagtingin ko sa bahay namin napansin kong bukas lahat ng ilaw. As in LAHAT nag doorbell na ako agad naman akong pinagbuksan ni manong guard ng gate.

" Good Evening ho maam Charity. Buti po nakauwi na kayo kanina pa nila kayong iniintay "

Iniintay? Nino? Binati ko na lang din si manong at naglakad na papasok.

Napatingin ako sa may garahe namin at nakita kong may bagong sasakyan na nakaparada doon.
Woah! BMW yun ah! Mahal kaya nun.. napakunot ang noo ko, kanino naman kayang kotse ito.

Pumasok nako sa mansyon at ang unang sumalubong sa akin ay si manang. Parang hindi mapakali.

" Charity! Mabuti naman at nakauwi kana! Jusko kang bata ka, sinabi ko ng huwag kang magpapagabi ng uwi "

" bakit ba manang? Parang lahat ata kayo dito aligaga? Anong bang meron? "

Napansin ko rin na puro naglilinis ang mga katulong namin. Gabi na pero naglilinis parin sila?
What's happening here?

" hindi ko ba nasabi sayo na dadating ang mga- "

" anong oras na? Bakit ngayon ka lang umuwi? "

Nagulat na lang ako ng makita ko si mama at papa na pababa sa hagdanan.

O____________O kailan pa sila dumating?

" oh bakit hindi ka makasagot, tinatanong kita Charity Michelle. Gawain ba yan ng isang babae ha? "

-_______- Charity Michelle yan na naman sila. Hilig nilang tawagin ako sa buo kong pangalan. Tss.

Nang makababa sila ay umupo sila sa sofang nasa sala. Lumapit ako sa kanila at ginawaran ng isang halik sa pisngi.

Umupo narin ako sa sofa na nasa harap ng kinauupuan nila.

" Ma, Pa bakit po kayo nandito? Kailan pa kayo dumating? "

Tinignan lamang ako ni mama ng masama at si papa na seryosong nakatingin sakin.

Okay? What did I do?

" tama bang sagutin ng tanong ang isa pang tanong Charity Michelle? " sabi ni mama

Napairap na lang ako. Heto na naman po tayo.

" lumabas lang po kami ni JM, nagpasama po kasing mag mall kaya sinamahan ko. Ngayon lang po ako nakauwi dahil medyo malayo ang mall sa bahay natin "

Walang emosyong sabi ko.

Nagtinginan silang dalawa at lalong tumalim ang tingin sa akin ni mama, at tumayo pa.

" at kailan ka pa natutong magsinungaling sa amin ng papa mo?! Bakit hindi mo pa sabihin? Itinatago mo pa ito? Ano?! Kayo na ni John diba? Kailan pa Charity Michelle?! Umamin ka! At ano na lang ang magyayari pagkatapos nun? Mabubuntis ka! Tapos magpapakasal ka na! Aba! sobra ka na! Matapos ka naming mapag-aral ito pa ang igaganti mo sa aming ng papa mo h- "

-_____________________________-

>____________________<

" Please ma! Tama na ang drama! Ang tanda tanda mo na tapos nag dadrama ka pa. Tsk! "

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon