SIWMB 35: ❤ HE's THE 1st

2.3K 122 1
                                    

CM P.O.V

Hanggang ngayon, masakit parin.
Masakit parin talaga.

Ano bang nakain ko kagabi at sumakit ng ganito ang tiyan ko? Huhuhu.

Nakakahiya yung walk-out session ko kagabi. Kay JM, at mas lalo na kay Lance. Ni hindi man lang niya ako naisayaw, oh please lamunin mo na ako lupa.

Sa sobrang sakit kasi ng tiyan ko kagabi hindi ko na nakayanan kaya ako nag walk-out sabay deretso sa CR. Sa pagkakatanda ko laho-laho na yung kinain ko kaya ang resulta. Eto kahihiyan. -______-!

Heto ako ngayon, nakahiga parin kahit hapon na. Nasabi ko na rin kina mama at papa kung bakit ako nagkagun kagabi buti na lang daw nakagawa agad sila ng alibi at sinabi nilang masama ang pakiramdam ko

Nakakahiya talaga. Napasub-sob na lang ako sa unan ko sa kahihiyan.

Ring ring ring

Agad ko namang hinanap ang cellphone ko. Ang aga-aga may tatawag agad?

I found it on the side table near on my bed.

" hello " bati ko without looking on it kung sino ang tumawag. Eh sa tinatamad ako eh paki mo ba.

" HOY, Bruha ka! Anong nangyari sayo kagabi at may pag walk-out ka pang nalalaman?! Hindi ikaw si Delima para mag walk-out no! "

Nagising ata ang diwa ko dahil sa boses niyang yun.

Tss. It's Cassandra.

" eh bakit ba? " naiinis kong tanong.
Kasi naman kinakalimutan ko na nga yung nangyari tapos isisigaw niya pa sakin.

" Aba't! Anong bakit ba? For your information usap-usapan kaya na meron kayong something ng bestfriend mo! Naku. Ta-tanga tanga ka kasi eh. Ano ba talaga kasing nangyari? "

Something? Kami ni JM?
Ang kikitid naman ng utak nila para isipin ang ganung bagay. Tss...

" Sumakit kasi yung tiyan ko! Na tatae ako okay! " gusto kong isigaw yan sa kanya pero hindi ko na gagawin dahil may dignidad pa ako kahit katiting lang. Ayokong pagtawanan ng babaeng to pagnagkataon. Im sure mauutas yan sa kakatawa kaya hindi ko na lang sasabihin yung totoo.

" a-ah kasi sumakit yung ano ko. Yung ulo ko! Oo tama sumakit yung ulo ko. Hanggang ngayon nga masakit parin eh. Huhuhu " pagpapa-awa effect ko. Sana hindi siya maghinala. Lord please.

" eh bakit ka nauutal. Sabihin mo nga yung totoong nangyaring babae ka " patay hindi pa ata naniwala. Hirap naman nito oh.

" s-sabi na ngang sumakit yung ulo ko! " pagpipilit ko

" weh? " talagang!

" oo nga sabi! Ang kulit! " napahagikgik naman siya sa kabilang linya at napabuntong hininga na lang ako.

Ang kulit kasi eh. Hirap na hirap na nga akong pagtakpan yung kahihiyang ginawa ko eh. Tsk

" ok ok. Sorry. Kamusta kana ngayon? " napangiti naman ako dahil may bahid ng pag-aalala yung boses ni Cass. Hehe

" medyo ok na ako, ano nga palang nangyari kagabi nung nag walk-out ako? " gusto ko kasing malaman kung anong nangyari matapus nung walk-out session ko. Ayoko namang tanungin sina mama at papa tungkol dun.

" Ayun pagka walk-out mo, agad namang umakyat si Tita Louise sa stage at sinabing baka raw masama ang pakiramdam mo kaya hinayaan kana namin. Pero gaga ka, kung makikita mo lang ang reaction ni Lance nung umalis ka maaawa ka. Hindi mo man lang inintay na maisayaw ka niya eh kakapayag mo lang na ligawan ka niya diba? "

Si Lance. Oo nga pala. I said yes to him when he ask me if he can court me.

" ako itong naawa eh tsk! Pero pagkatapus nun nakita kong lumapit si Margarette kay Lance at yun nagusap sila. "

Secretly Inlove With My Bestfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon