CHAPTER 9

103 6 0
                                    

~* CLAIRE *~

     KASALUKUYAN kaming nakaupo sa gilid ng dagat at tinatanaw ang napakagandang langit sa paglubog ng araw. May kalayuan ito sa mall pero kayang-kayang lakarin....

     "Ayon sa librong nabasa ko, kung sino raw ang kasama mong manood ng sunset ay sya na rin ang makakasama mo habang buhay" si Aaron

     Nabaling naman ang atensyon namin sa kanya....

     "So ibig mong sabihin tayong apat ang magkakasama habang buhay?! Seesh! No way!" animong nandidiri pang sabi ni Sam na tinitigan pa kami isa-isa kaya natawa kaming tatlo sa kanya

     "Hahaha! Malay mo 'di ba? Malay mo tayo-tayo rin ang magkakatuluyan"  matamis na ngumiti si Aaron sa kanya

     "Ah, kung ganon maniniwala na ako sa sumpa! Hahahaha!" tawa pa nya

     "Sus! Kung magsalita ka naman eh parang luging-lugi ka kay Aaron" tuluyang sabat ko

    "H-Hoy! W-Wala akong sinabing ganyan, ah!" nanlalaki ang matang ani Sam sa'kin

     Napangiti naman ako, "Eh parang ganon na rin 'yon!" pang-aasar ko

     "Seesh! At sino bang nagsabi sayong si Aaron lang ang tinutukoy ko?! Di ba nga tayong apat nga raw!"

     Nakuha ko naman agad ang sinabi nyang 'yon "Tssk" napapahiyang napasinghal na lang ako

     "Ah!" may kalakasang sabi nya na parang may naisip bigla, kakaiba na ang ngisi nya, "Kaya ba binibigay mo sa'kin si Aaron dahil ang na-iimagine mong kasama habang buhay ay si...... Jasper?"

     Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi nyang 'yon!

     "H-Hin....di a-ah!" nahihiya nang sabi ko na sumulyap kay Jasper na ngayon ay nakangiting nakatingin sa'min!

     'Bwisit ka! Anong nginingiti-ngiti mo dyan!' 😣 😣 😣

     "Hin....di? Eh bakit nauutal ka?" pang-aasar pa ni Sam!

     Matalim ko syang tinitigan, "Tumahimik ka nga!" nahihiya na talagang suway ko sa kanya pero hindi sya natinag na tatawa-tawa pa ring nakatingin sa'kin!

     "Uyy.... namumula ka Claire!" si Aaron na nang-aasar na rin

     "Pwede ba! Kayong dalawa ang usapan ah!"

     "Sus! Bakit parang pabor naman sayo ang usapang 'to?!" ngingisi-ngising sabi pa ni Sam

     Pinandilatan ko sya ng todo para tumigil na sya "What?! Stop it Sam!"

     "Seesh! Stop it? Namumula ka na nga oh! Hahahaha!"

     "Hahahahaha!" sabay-sabay silang tumawa!

     Mabilis namang nabalot ng kahihiyan ang buong sistema ko!

    "Tumigil na kayo! Hindi ako natutuwa!" asar nang sabi ko!

     "Hindi ka natutuwa? Bakit?" biglang nagsalita si Peste! Nakangisi na rin sya ngayon sa'kin at dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakasagot! "Bakit ba hindi ka natutuwa, ha?.... ha?" tanong nya pa na nakuha pang lumalapit sa'kin!

ALWAYS BEEN YOUWhere stories live. Discover now