CHAPTER 13 ✴️ book 2

72 3 0
                                    

⚛️ CLAIRE ⚛️

    "DI SIGE" sambit ko

     "A-Anong.... s-sige?"

     "Okay lang sa'kin"

      "Okay lang sayo? A-Ang alin?"

     "Tssk, eh ano ba 'yong tanong mo kanina?!" kunwaring inis na sabi ko

      "Ha?"

      Gusto kong matawa sa kanya dahil halatang wala na sya sa katinuan. Imbis ay ngumiti ako ng husto, "Okay lang sa'king iparamdam mo...... 'wag mo lang hihilingin na suklian ko"

      Halatang gulat na gulat sya sa narinig na natitigilan pa

       Nang maya-maya'y........

      'Oh?????'

      Ramdam ko na unti-unting bumabagsak ang labi ko habang tumatagal ko syang pinagmamasdan

       Unti-unti ay nakita ko kung paanong lumaki ang pagkakangiti nya. Mukha na nga syang joker sa pagkakangiti ngayon sa'kin.

      Mabilis akong napa-iwas ng tingin. Naging sunod-sunod ang paglunok ko.....

     'Tol, joke 'yon. Wag mong seryosohin'

     Gusto kong sabihin iyon ngunit hindi ko alam kung paano.

      Saglit akong napapapikit

     Paniguradong hindi nya iyon magugustuhan.

     At sa unang pagkakataon ay nag-alala ako sa mararamdaman nya

     "A-Anong g-ginagawa mo?"

      Halos mapailag ako sa kanya nang ilapit nya ng husto ang sariling mukha sa akin!

     "Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya" ni hindi man lang nabawasan ang pagkakangiti nya simula kanina!

     "P-Pwede ba, w-wag kang lumapit masyado" may kahinaan kong nasabi

      Mabilis naman syang bumalik sa pwesto. Ngayon ay mas iniunat nya pa ang dalawang kamay bilang suporta sa likod habang pinagmamasdan ang langit

      "Haiyyyyy......" nakangiti at matunog nyang pagbuntong-hininga. Sumulyap na lang ako nang nakangiti pa rin syang nagsalita, "Grabe, parang sasabog ang dibdib ko. Sobrang saya ko talaga"

     Hindi ko naiwasang pagmasdan sya. Napako ang paningin ko sa mga mata nya. Doon nga'y wala kang mababasang kasinungalingan, na ang lahat ng sinasabi nya ngayon ay makikita mo talaga sa kanya.

     Ang totoo ay hindi sya mahirap basahin. Bawat emosyon-- saya, lungkot o galit ay madali mong makikita sa kanya. Ganoon sya ka-visible kaya hindi na rin kataka-taka na ganoon sya pagdating sa nararamdaman nya sa ibang tao. He's genuine and very direct. Hindi ka makakaramdam ng pagkalito dahil alam na alam nya ang gusto nya. Si Kei 'yong tipo na hindi magaling sa pagtatago. 'Yong taong walang halong misteryo ang pagkatao

      'Yon ang pagkaka-iba nil---!'

      Napailing-iling ako!

ALWAYS BEEN YOUWhere stories live. Discover now