CHAPTER 10

94 6 0
                                    

~* CLAIRE *~

     NAIMULAT ko ang mata nang magring ang cellphone ko, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Dali-dali kong pinunas ang mga luhang natira sa pisngi ko at agad na hinugot iyon sa bulsa ko

     "Claire, sa'n ka na?" kahit hindi ko tignan kung sino, boses pa lang ay alam ko na.....

     At aaminin ko na may parte sa'kin na nanglumo bigla dahil sa ibang tao ang inaasahan ko.

     'Wala syang pakialam sayo kaya huwag kang umasa....'

     Napahugot ako ng malalim na hininga sa naisip.....

     "Claire?" tawag ulit ni Sam sa kabilang linya

     "Nandito ako sa kwarto" tipid na sagot ko, pilit na pinapanormal ang tono ng boses ko

     "Okay ka lang ba?" bigla ay parang gusto ko na namang umiyak sa tanong nyang iyon. Alam kong iba ang tinutukoy nya pero ang pangyayari kanina ang pumasok sa isip ko

     "O-Oo naman....." pilit na pinipigil ang pagtulo ng luha ko "Hindi na siguro ako makakabalik dyan"

     "Ha? Bakit? Sayang... nandito na si Jasper" nanghihinayang na tono talagang sabi nya

     'Jasper? Oo, si Jasper.....'

     Hindi ko inaasahang guguhit ang sakit sa dibdib ko...

     Sinikap ko pa ring sumagot, "Matutulog na ako, bigla kasi akong inantok.... dahil siguro sa gamot na ininom ko" pagsisinungaling ko dahil ayokong makaharap sya na ganito pa rin ang nararamdaman ko

     "Gano'n ba? Sige na nga, hindi na kita kukulitin" tugon nya

     "Salamat.... sige na, enjoy" pagtatapos ko sa usapan

     "Restwell, bye" at ibinaba ko na ang linya, doon ko nakita ang oras.....

     '9:45pm, masyado pang maaga para tapusin ang party...'

     Napahiga ako ng ayos sa kama....

     "Wala akong gusto sa kanya....."

     Muli ay umugong na naman sa pandinig ko ang naging sagot nya kanina

     "Aaah! Tama na...." mahinang bulong ko sa sarili na tinatakpan pa ang dalawang tenga

     Muli ay parang gusto na namang tumulo ng luha ko pero sa halip na hayaan ay pinigilan ko ito. Bumaling ako pakaliwa sa paghiga nang masagian ng paningin ko ang nakasabit sa bintana, ang pulang jacket nya.

     Agad akong naupo at inabot iyon. Hindi ko naiwasang maamoy at maalala na iyon ang ipinahiram nya sa'kin kahapon. Hindi ko rin maiwasan na maalala ang pakiramdam na nag-aalala sya sa'kin dahil sa ayaw nya akong sipunin....

     'Pero wala iyong ibang ibig sabihin Claire, mabait lang talaga sya'

     Hindi ko man lang nagawang isauli iyon kanina. Hindi ko rin ito napansin habang nag-iimpake dahil nga sa nakasabit ito sa may bintana.

     Napaisip ako kung paano ko iyon isasauli sa kanya. Syempre ay kailangan ko syang kausapin para magpasalamat. Bigla ay parang gusto kong mabaliw kung paano ko iyon gagawin, hindi pa rin kasi ako handa na makipag-usap sa kanya at alam kong kapag nakita ko sya ay masasaktan lamang ako. Alam ko rin sa sarili ko na mas lalo akong maiilang sa kanya lalo na't alam ko na ganito na ang nararamdaman ko sa kanya.

ALWAYS BEEN YOUWhere stories live. Discover now