CHAPTER 11

87 6 0
                                    

~* JASPER *~

     MATAPOS kong tanggihan ang dalawang babae kanina ay umakyat na ako sa bus. Gaya nga ng inaasahan, mas lumala ang pagtataray ni Claire. Hindi ko na lang sya pinansin at tinanaw na lang ang tanawin sa labas dahil pakiramdam ko ay wala namang dahilan para suyuin ko sya.

     Nang tuluyan naming marating iyon ay hindi naman kami nagsisi sa mahabang byahe dahil sa iba't-ibang trail na nandoon.....

     Sinimulan namin ang paglilibot at pagtingin sa iba't-ibang uri ng hayop. Hindi ko kinaligtaang kunan ng litrato ang bawat isa, maging ang pagbabasa ng mga scientific name at kung saan sila matatagpuan ay hindi ko rin pinalagpas.

     "I heard iniinvite ka ng mga girls kanina?" si Aaron na biglang tumabi sa'kin sa gitna ng paglilibot namin

     "Says who?" walang ganang tanong ko

     "Claire...." tipid na sagot nya na ikinagulat ko kaya napalingon ako sa kanya

     Kita ko naman ang nakakalokong ngiti nya, nanunukso....

     "Kay Claire?" bakas ang pagtataka sa tono ko

     "Yep..." nakakaloko pa ring sabi nya "Rinig ko pa nga na panay ang reklamo nya kay Sam na bakit daw sasama ka sa mga 'yon kung pwede namang sa'min na lang, lalandiin ka lang naman daw ng mga 'yon" natatawang dagdag nya pa

     "Oh, really? Hmm... I don't know them that's why I refused" paliwanag ko

     "Good. Anyway, did you notice something? She's acting differently" nakangiti pa ring sabi nya

     "Wait, what? Who?" tanong ko na natigilan sa ginagawa

     Mas lumaki ang ngiti nya, "Si Claire...."

     "Huh? Bakit naman?"

     ''Di ba dati, halos ipagtabuyan ka pa nya na nagsusungit pa buong maghapon tapos ngayong sasama ka sa iba, parang nag-iba ang ihip ng hangin.... tsh, ang weird" nakakaloko pero seryosong tono na sabi nya

     Bahagya akong natigilan na napaisip sa sinabing 'yon ni Aaron. Napalingon ako sa gawi nina Claire na saktong nahuli kong nakatingin sa'kin ngunit hindi tulad ng nakasanayan na mahihiya syang mag-iiwas ng tingin dahil ngayon ay may pagtataray sya nang gawin iyon.

     Gusto ko pang mamangha dahil ang kaninang nag-aaway na magkaibigan ay dikit na naman ngayon sa isa't-isa.

     'Tssk, mga babae talaga....' 😑 😑 😑

     May ilang oras din ang paglilibot namin. Nakuha pa naming magpakain ng tigre at talagang namangha kami na kahit nasa loob lamang kami ng mini jeep na talagang protektado, nakikita namin sila sa malapitan. Nakuha din naming mapagmasdan ng malapitan ang mga kangaroo roon habang sakay ng isang sasakyan na inilaan doon.

     Nang maghapon na ay oras na ng byahe namin pauwi sa Bicol. Oras na rin para magpaalam ang tour guide namin. May mga nalungkot ngunit ganoon pa man, bakas pa rin ang kasiyahan sa lahat dahil sa naging experience namin.

     ALAS SYETE.... oras na ng hapunan nang magising ako. Hindi na ako kailangang gisingin dahil rinig ko ang ingay at mismong tyan ko na ang gumising sa akin. Gaya rin ng nakasanayan ay sa kilalang resto kami kakain.

     "Kakagutom..." si Aaron nang sinisimulan na ng waiter na ilapag ang pagkain namin

     "Sinabi mo pa..." si Sam

ALWAYS BEEN YOUWhere stories live. Discover now