CHAPTER 39

104 6 2
                                    

~* CLAIRE *~

     MABILIS kong pinunsan ang mukha ko nang magbukas ang pinto ng kwarto..

      "Umiiyak ka ba?" si Sam

     Mabilis akong umiling habang iniiwas ang mukha sa kanya. Sa tingin ko ay kumalat na ang make-up sa mukha ko

     "Wag ka muna mag-isip ng kung ano.." ramdam kong naupo sya sa tabi ko habang ang paningin ko ay nasa labas pa rin ng bintana "May tiwala ka naman sa kanya 'di ba?"

      Medyo nagulat pa ako sa inasta nya ngayon. Madalas kasi ay sisinghalan nya ako at magsasabi ng kung ano-ano. Nakakapgtataka lang na kalmado sya ngayon. Wala sa sariling tumango na lang ako habang pinipigilan na mamuo ulit ang luha ko

       "Yon naman pala eh.." pilit syang tumawa para pagaanin ang sitwasyon "Patingin nga ng mukha mo.." utos nya na sinilip pa iyon. Hindi nya na ako hinayaang magsalita pa na nagsimulang ayusan ulit ako

     Matapos ang ilang minuto ay bumaba na rin kami para simulan ang party. Simpleng pagtitipon lang iyon. Nakakatuwa ang pakiramdam dahil sa rami ng lobo at naggagandahang bulaklak sa paligid, bagay na gustong-gusto ko

     ♪"Happy birth...day to you... Happy birth...day to you.. Happy birth...day.. Happy biiirthh...day.. Happy biiiiirth...day, dear Claire"♪

      Nagsimulang magkantahan ang lahat nang marating ko ang garden namin kaya mahirap man ay sinikap kong ngumiti lalo na nang makita na hawak ni Mama ang cake papalapit sa gawi ko.

     "Happy birth...day to you... Happy birth...day to you.. Happy birth...day.. Happy biiirthh...day.. Happy biiiiirth...day, dear Claire"♪

     Halos matawa na rin ako nang makita si Tita na hawak ang tablet kung nasaan sina Kuya at Papa na pansin ko rin na sumasabay sa pagkanta.

     Mas naging mabilis ang tugtog, kaya mas naging masigla ang kanta..

     ♪"Happpy biirth..day dear Claire! Happy biiirth..day dear Claire! Happy biiirth..day! Happy biirth..day! Happy biirth..day dear Claire!"♪

     Isinenyas ni Mama ang cake kaya bago ko pa man iyon ihipan ay pumikit ako para mag wish..

     'Sana okay lang ang lahat..'

     Minulat ko ulit ang mata na hinipan na ang kandila..

      *clap! clap! clap!*

       Nangibabaw ang palakpakan. Doon rin ay nagsimula na ang kainan, kwentuhan, walang humpay na batian na puro pasasalamat lang naman ang naisasagot ko. Simple lang ang party na malalapit lang talaga sa'kin ang naroon. Maging ang set-up ng paligid ay napakasimple lang na may mangilan-ngilang mesa habang nasa kaliwang bahagi ang pagkain.

     Kahit anong ingay ng paligid, kahit gaano karami ang masasarap na pagkain, kahit gaano karaming regalo ang natanggap ko ay hindi ko makuhang maging masaya ng buo. Isang oras na ang nakalipas nang magsimula ang party ay wala pa rin ang taong hinihintay ko. Nadismaya pa ako nang tignan ang cellphone ko na walang ibang laman kundi ang mensahe sa mga kakilala na panay ang pagbati.

ALWAYS BEEN YOUWhere stories live. Discover now