CHAPTER 27

72 4 0
                                    

~* CLAIRE *~

     FRIDAY....

     ♪Ooh.. puso ko-oh.. dahan dahan dahan dahan lang.. O-oh.. dahan dahan dahan lang.. baka masaktan ka na nama-an.. ♪

     Taas-kilay kong kinuha sa bulsa ang cellphone ko nang mag-ring 'yon..

     Sammy calling....

Mas nataas ko pa ang kilay sa nakita kong tumatawag. Nakapagtataka dahil magkikita naman na kami ngayon dahil may pasok kami..

     "He---!"

     "CLAIIIIIRE!" bahagya ko pang nailayo ang cellphone sa tenga ko sa sigaw nya sa kabilang linya.

     Ni hindi ko pa nga nasasabi ng buo ang HELLO ay gano'n na ang salubong nya, "Oh?" sagot ko na lang

     "Nakuuuuuuu! Nasa'n ka na ba?! Daliaaan mo naaa! Juskooo!!!"

     Napabuntong-hininga ako dahil kung iba siguro ang kausap nya ngayon ay iisipin na may emergency sya pero dahil nga sa kilala kong OA sya eh alam kong hindi gano'n 'yon

      "Nasa parking na'ko" sagot ko pa habang inaayos ang helmet ko

     "Umakyaaaat ka na ditoo! Daliiiii! Bilisan mo ah, nakuu talaga! Bye!" ibinaba nya na ang linya

     Medyo nagmadali naman akong pumasok sa building namin. Nang marating ko na nga ang floor namin ay kita ko ang kumpulan sa dulo no'n kung nasaan ang classroom namin

     "Wahahahahahaha! Nandito ka na pala! Dalii-daliiii!" hila-hila ako ni Sam na ipinagsiksikan pa para makapasok sa classroom.

     Hanggang sa matanaw ko nga ang upuan ko na may nakapatong na....

     'B-Bouquet at.. c-cho..chocolates??' 😮 😮 😮

     'Sa pagkakaalam ko eh malayo pa ang Valentine's day...'

     Nagsimula ang mas malakas na bulungan pero ni-isa ay wala akong inintindi na nilapitan ang mga iyon

     Agad na umusbong ang saya sa dibdib ko dahil bukod sa may katagalan na rin mula nang makatanggap ako ng mga ganito eh mukhang alam ko na kung kanino galing na mismong utak at tibok ng puso ko na ang tumutukoy

     Gayunpaman, ayokong mag-assume na sya nga pero dahil sa kulay ng rosas ay parang nakokompirma ko na--PINK roses

     Agad kong iginala ang paningin sa classroom para hanapin ang taong 'yon..

     "Sino nagbigay? Daliii! Share ka naman!" atat at nakakarinding tanong sa'kin ni Sam pero hindi ko makuhang mainis dahil para akong kinikiliti ngayon sa sobrang kilig. Nakuha ko pa syang ngitian bago iginala ulit ang paningin. "Suuuus, 'yang ngiti mong 'yan.. parang alam ko na kung sino! Ayiiiiiie!" rinig ko pang sabi nya pero hindi ko pa rin mahanap ang taong 'yon.

     "Tsh, lokong 'yon.. dumadamoves na rin" hindi ko man lang napansin na pati si Aaron ay nandito na sa tabi ko

     Nakangiti ko syang tinignan. "Nasa'n sya?" tanong ko pero nagkibit-balikat lang sya.

     Ang lakas maka-hayskul ng eksena ngayon, dagdag mo pa ang mga tsismosa na agad na nagpasukan sa kani-kanilang classroom nang magring ang bell.

ALWAYS BEEN YOUWhere stories live. Discover now