CHAPTER 22

47 4 0
                                    

~* SAMANTHA *~

     KASABAY ng pagtunog ng bell ay ang pagpasok ni Jasper na agad na dumiretso sa kabilang direksyon para doon maupo. Ilang saglit pa ay pumasok na rin si Ma'am kasunod si Claire.

     Bakas ang tamlay sa kaibigan ko na parang pagod na pagod. Agad ay parang gusto ko syang komprontahin sa bali-balitang nangyari kanina.....

     * few minutes ago *

     Nang makapasok sa school ay tanaw ko ang ilan na nagtitipon-tipon sa kabilang parte ng parking lot kaya nang maayos kong nai-park ang kotse ko ay lumapit na ako roon.

     Agad na nanlaki ang mata ko nang makita si Gianne na pasa-pasa ang mukha at may mga dugo pa sa ilang bahagi ng uniporme. Kasalukuyan na syang inaalalayan ng ilang estudyante.

     "A-Anong..... nangyari dyan?" nanginginig ang boses ko nang itanong 'yon sa babaeng katabi ko na hindi ko kilala

     Bahagya nya naman akong nilingon, "May nakaaway daw, eh..... 'yong Jasper ba? 'yong classmate nyang transferee?"

     Mas ikinabigla ko ang sagot nya

     "H-Ha?! Bakit daw?"

     "May pinag-awayan na babae.... si Claire" sagot nya na nakatanaw pa rin kay Gianne na hinahatid na papunta sa clinic

     Habang ako ay parang hindi makapaniwala sa narinig....

     'Claire??? Claire na kaibigan ko?!'

      "Samantha"

      Napalingon ako nang may tumawag sa likod ko

     "Aaron!" halos mapasigaw ako nang makita sya, "Nasa'n si Claire? Si Jasper?"

     "I don't know" nagsalubong agad ang kilay nya

     "Hanapin natin!" desididong sabi ko

     "Kailangan nating pumasok..... male-late na tayo" kunot-noo at seryosong sagot nya na agad na tumalikod at naglakad palayo

     Wala na akong nagawa kaya sumunod na lang ako papasok sa building. Nang makapasok nga kami ay naririnig ko ang tsismisan ng ilang estudyante

✴ ✴ ✴ ✴ ✴

     Kita ko ang pagkakunot-noo ni Jasper mula sa kinauupuan ko. Si Aaron naman na katabi ko ay nanatili pa ring walang imik na tila malalim ang iniisip. Napatingin naman ako kay Claire na ngayon ay nakatingin nga kay Ma'am pero halatang balisa rin

     "Claire" mahinang tawag ko sa kanya kaya napatingin sya sa'kin, "We need to talk.... later"

     Tumango na lang sya.

     Pakiramdam ko ay masyadong naging matagal ang oras. Nangangati na ang bibig kong magtanong sa kanya at gusto ko nang masagot 'yon

     Nang sa wakas ay nag-ring na ang bell, senyales ng pagtatapos ng klaseng 'yon

ALWAYS BEEN YOUWhere stories live. Discover now