CHAPTER 21

74 4 0
                                    

~* CLAIRE *~

     HINDI ako makapagsalita na nanatili lang na nakayuko. Tinitignan ko ang damong kinauupuan ko habang pinagtatawanan ako ng kasama ko!

     "Hahahahahaha! Akala ko ba ayaw mo ng nag-oovertake? Eh halos pinagmumura na tayo ng mga nakasalubong natin sa kalsada!"

     'Tssk...' 😣 😣 😣

     "At ayaw mo ng mabilis 'di ba?! Eh sa ginawa mo kanina daig mo pa ako! Hahaha!"

     'Damn it' 😣 😣 😣

     Totoo ang sinabi nya, halos pinagmumura na kami kanina at muntik pa kaming makasagasa dahil sa bilis ng pagpapaandar ko!

     "Tsk, tsk, tsk.. Halatang ayaw mo akong ibigay sa kanila, ah? Hahahahaha!" bigay na bigay pa ring sabi nya

     "A-Ang kapal naman ng mukha mo" hindi ko na napigilan ang magsalita. Sigurado ako na kapag tinignan ko ang sarili sa salamin ay para na akong kamatis sa sobrang pula dahil sa hiya!

     "Bakit mo nga ba ako dinala dito?"

     Tumatawa pa rin sya nang sabihin iyon dahil kasalukuyan kaming nasa zoo kung saan may park at maliit na ilog rin kung saan pwede kang mamangka. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil hindi ko rin maipaliwanag kung bakit dito ko sya dinala!

     'Bweeeeeset!'

     "Baka gusto mo lang akong i-date?"

     'WTH?!'

      "Ano bang sinasabi mo dyan?" salubong ang kilay ko syang tinignan habang sya ay nakangisi pa rin

     "Kung gusto mo akong maka-date, pwede namang yayain mo muna ako hindi 'yong...... manghihila ka na lang basta"

      Napaawang ang bibig ko na bahagya pang nagpakawala ng matunog na paghinga na parang hindi makapaniwala sa kaniya! Sana pala ay hinayaan ko na lang ang mokong na 'to na makaladkad ng mga guards na 'yon!..... pero alam ko sa sarili ko kung bakit ko nagawa 'yon

     "Why did you do that?" tanong nya na para bang nabasa ang iniisip ko

     Mas lalo naman akong napayuko, "T-Tssk, ayoko lang na kunin ka nila ng ganon-ganon na lang"

     Nang iangat ko ang paningin ay hindi na ako nagtaka nang lumitaw na naman ang nakakalokong ngiti nya na para bang lubos syang natutuwa sa naging sagot ko.

     "Bakit? Ano naman sayo?" nanunukso na ang tono nya kaya napataas ako ang kilay

     Noo'y bahagya akong nag-iwas ng tingin, "K-Kaibigan kaya kita" hindi ko intensyong bumakas ang pait sa pagkakasabi ko

     "Hmm, really? It's as if...."

     Natigilan ako at napatingin ulit sa kanya sa pambibitin nyang 'yon

     "....you still have a romantic feeling for me" dagdag nya

     Napalunok ako, bigla ay nanuyo ang lalamunan ko at sandali akong natuliro pero sinikap ko pa ring sagutin sya

     "M-Masyado ka namang feeling...." nautal pa ako!

     "Hmm.. Okay" nakangiti na lang syang nagkibit-balikat

ALWAYS BEEN YOUWhere stories live. Discover now