CHAPTER 3 ✳️ book 2

82 4 2
                                    

️⚛️ KEI  ANDREI MIYAMIZU - New Character ⚛️

     MATAPOS kong ipaalam ang schedule ko ay uuwi na sana ako nang....

    🎶 "Mangangarap hanggang..... sa pagbalik" 🎶

     🎶"Mangangarap pa rin, kahit.... masakit"  🎶

     'Oh?'

     May kahinaan man ang tinig na iyon ay rinig na rinig dahil sa tahimik na paligid.

     Imbis na dumiretso na palabas ay wala sa sarili kong sinundan ang tinig na iyon.

     Hangang sa marating ko nga ang pinto kung saan nanggagaling iyon

      🎶"Baka sakaling.... makita kitang muli. Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi...." 🎶

     Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at tumambad nga sa'kin ang babae kanina

     🎶"Kung 'di pipilitin.... ang 'di pa para sa'kin. Baka sakaling....... maibalik" 🎶

      Bahagya syang nakayuko habang patuloy sa pagtugtog. Hindi na rin kataka-takang hindi nya napansin ang pagbukas ng pinto dahil tutok na tutok sya sa ginagawa...

     🎶"Malaya ka na, malaya....." 🎶

       Dahil sa malamig na tinig nya at sa tunog ng pianong nililikha nya, masasabi kong magaling sya...

     🎶 "Isusuko na ang sandata, aatras na sa laban. 'Di dahil naduduwag kundi dahil.... mahal kita" 🎶

     Bukod doon ay kapansin-pansin rin ang isang bagay....

     Ang emosyong inilalabas nya...

     🎶 "Mahirap nang labanan, mga espada ng orasan. Kung pipilitin pa... lalo lang masasaktan" 🎶

     Hindi ko namalayan ang sariling nanatiling nakatayo roon para panoorin sya.

     🎶 "Mangangarap hanggang..... sa pagbalik" 🎶

     🎶"Mangangarap pa rin, kahit.... masakit" 🎶

     Halo-halo ang pakiramdam ko habang dumadaan ang segundong nakatingin ako sa kanya.

      Parang tumigil ang mundo at aaminin kong sa kabila ng malungkot na tinig nya ay namamangha ako sa kanya....

      🎶 "Baka sakaling.... makita kitang muli. Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi...." 🎶

     🎶 "Kung 'di pipilitin.... ang 'di pa para sa'kin. Baka sakaling....... maibalik" 🎶

     'Kung di pipilitin ang 'di pa para sa'kin?'

     Mapait akong napangiti. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay kumikirot pa rin....

     🎶 "Malaya ka na...." 🎶

     🎶 "Malaya....." 🎶

     *clap! clap! clap!*

     Hindi ko napagilang hindi pumalakpak. Gaya ng inaasahan ay mabilis syang napatayo dulot ng pagkagulat sa presensya ko.

ALWAYS BEEN YOUWhere stories live. Discover now