CHAPTER 6

147 6 0
                                    

~* SAMANTHA *~

     WEDNESDAY... nagising ako at agad na tinignan ang oras sa cellphone ko, '6:50am'... Napatingin ako sa mga kasama ko sa kwarto at nakita na wala si Claire sa kama nya.

     Tumayo naman ako at kumatok sa banyo, "Claiiire!" mahinang tawag ko pa.

     "Oh? Hindi pa ako tapos..." rinig kong sagot nya

     "Okay, take your time" naging sagot ko na rin

     Hinanda ko na ang mga gagamitin ko sa pagligo pati na rin ang damit na isusuot. Nang matapos ay naupo ako sa medyo malapit sa pinto ng restroom

      'Aaaaah..' naiunat ko pa ang dalawa kong kamay nang mapahigab. Nasulyapan ko naman ang isa pa naming kasama na tulog na tulog pa rin... 'Seeesh! Isa kang higad, Czarina!'

     "Ikaw na...." natinag ako nang magsalita si Claire, hindi ko man lang napansin na tapos na pala sya

     "Sige..." naging seryosong tugon ko na kinuha na ang mga inihanda at pumasok ng banyo

     Habang naliligo, bigla kong naalala ang nangyari kagabi sa pagitan ni Claire at Jasper...

      'Grabe, parang aso't pusa...'

     Masasabi kong nakakalibang talaga sila tignan pagnagbabangayan pero hindi ko maitatanggi na nag-aalala ako sa kaibigan ko. Base kasi sa pagkakakilala ko kay Claire ay ayaw nya sa lahat na naaagaw nya ang atensyon ng ibang tao lalo na kung talagang napapahiya pa sya. Masyado syang mahiyain kaya hindi na ako nagtaka kung bakit matapos noong pagkapahiya nya ay mas pinili nya na ang umalis doon sa party para magpahinga. Isa rin 'yon sa mga naiisip kong dahilan kaya hirap akong makipagkaibigan sa kanya noon.

     'Malamang, ikaw ba naman magkaroon ng kaibigan na famous, syempre lilingunan talaga ng lahat. Pagpasensyahan mo na Claire, mala dyosa ang ganda ko eh. Hahaha!'

     Nang matapos maligo ay nakahanda na kami. Si Czarina man ay gising na kaya nagpaalam na rin si Claire sa kanya na na mauuna na.

     'Seesh! Sabi nang wag syang makikipag-usap sa higad!'

     Masyadong tahimik at seryoso si Claire kaya nanatili na lang akong tahimik habang pababa kami para sa breakfast. Pero dahil nga sa madaldal at tsismosa ako ay hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong habang kumakain....

     "Okay ka lang?" nangangapang tanong ko na bahagya pang ngumunguya

     "Bakit?" tipid na sagot nya matapos humigop ng kape

     "Eh para kasing wala ka sa mood" alanganin pa rin na sagot ko

     "Okay lang ako" seryosong anya na hinihiwa ang toccino sa plate nya

     "Akala ko kasi nabadtrip ka kagabi at hindi ka pa rin okay kasi pahiyang-pahiya ka. Nakuha mo pa ngang magwalk-out---amp!" derederetsong nasabi ko! Agad ding akong napigilan nang mapansin na sumama ang mukha nya

     "I don't wanna talk about it" bakas ang inis sa tono nya

     "Sorry..."

     Hindi na sya kumibo at nagpatuloy ulit sa pagkain. Maya-maya lang ay may narinig na akong ingay ng mga babae....

     "Oh! Jasper my love!"

ALWAYS BEEN YOUWhere stories live. Discover now