CHAPTER 15 ✴️ book 2

40 3 2
                                    

⚛️ JASPER ⚛️

     HINDI ako nakakilos. Bagaman makapal pa rin ang usok ay hindi ako pwedeng magkamali. Nang sandaling makita ko ang sitwasyon nya ay nanghina ako. Nanglambot ng husto ang tuhod ko at bumigat ang dibdib ko.

     Ang dugong dumadaloy mula sa gilid ng ulo nya, ang pagdudugo ng ilong nya, may busal ang bibig at nakatali pa ang mga kamay. Mas lalong kumirot ang puso ko sa karahasang dinanas nya at alam kong hirap na hirap sya.

     "Zoe...." bumakas ang sakit sa tono ko. Hindi ko matanggap na gan'to ang sinapit nya.

     Nang sandaling suklian nya ako ng ngiti ay ganoon na lang rin kabilis akong napakurap ng mata. Hindi ako handang masaksihan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha nya.

      Nakakilos lang uli ako nang makita kong bumagsak na ang katawan nya indikasyon ng pagkawala ng kanyang malay

     ✴ ️OSPITAL ✴

      "She's stable now. You don't really have to worry, Sir"

       Tumango-tango ako, "Thank you, Doc"

       Hindi ko maialis ang paningin sa kanya. Kahit nang magpaalam ang doktor ay hindi na rin ako sumagot pa.

      Gamit ang dalawang kamay ay mas napahigpit pa ang hawak ko sa walang malay na si Claire. Sa kabila ng sinabi ng doktor at kahit kitang-kita kong payapa ang mukha nya ay hindi ko pa rin maiwasan ang pag-aalala. Hindi siguro iyon maiaalis sa akin hangga't hindi ko sya nakikitang magkamalay.

      "Masyadong nakatuon ang atensyon mo sa kanya. Nakalimutan mo atang may isa pa tayong pasyente rito" ani Xia

       Muli ay sinulyapan ko ang mukha ni Claire bago tumayo at hinarap sya, "How's Kei?"

      "Nasa kabilang room na sya ngayon. Maswerteng hindi sya napuruhan pero hanggang ngayon ay wala pa rin syang malay"

     Tulad ko ay halata na rin ang pagod kay Xia. Mag aalas dose na ng umaga pero nandito pa rin kami sa ospital.

     "Anong plano mo?" mas nagtataray ang tono nya, "I already called Kei's parent... eh dyan?" nguso nya kay Claire

      Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Simula rin kasi nang bumalik ako ay hindi ko pa nakikita ang pamilya ni Claire. Kung sa akin pa manggagaling ang gan'tong balita ay paniguradong mas lalong masisira ang tingin nila sa akin.

      "Kung ayaw mo, ako na lang ang magpapa alam kina Tita Cynth" tukoy nya sa Mommy nito, "Siguro naman eh kilala pa nila ako"

      Agad akong umiling, "No, wag na. Sa ngayon ay umuwi ka na para makapagpahinga. Ako nang bahala"

      "Ano bang iniisip mo? Anong oras na oh! Malamang hinahanap na rin yan sa kanila kaya dapat siguro ay ipaalam na natin. At hindi ako uuwi! Sabay tayong uuwi!" she insisted

       Napapikit ako sa inis, "Yes i know. But let me think first. And no, kailangan mong umuwi"

      "Think first? Tssh. Ano sa tingin mo yung mga sinabi ko? Walang kwenta?" napabuntong-hininga sya. Sa estado nya ay naiinis na rin sya, "I'm saying the right thing to do"

      "I know. Pero maghintay pa--!"

       "Argh---!"

       Sabay kaming napatingin ni Xia sa pinanggalingan ng tunog na iyon.

ALWAYS BEEN YOUWhere stories live. Discover now