CHAPTER 23

62 4 0
                                    

~* JASPER ZILD *~

   NANG tuluyan kong marating ang loob ng classroom namin ay tumambad sa paningin ko ang umiiyak na si Claire....

     "A-Are you okay?" bakas ang pag-aalangan sa tono ko

      Nanatili akong nakatyo habang pinagmamasdan sya na nakaupo lang sa sahig...

     "W-What happened?" muling tanong ko pero hindi nya pa rin ako pinapansin

     Lubos akong nag-aalala sa kanya kaya napaluhod na rin ako sa harapan nya. Hindi ako gumawa ng ano pang kilos, hindi na rin ako nagsalita pa, pinakikinggan ko lang ang matunog na pag-iyak nya

     "Anong ginagawa mo rito?" sa wakas ay nagsalita na sya. Gamit ang palad nya ay pinunas nya ang sariling luha. Agad naman akong napakilos na kinapa agad sa bulsa ko ang panyo at inabot iyon sa kanya

     Matagal nya itong tinitigan kaya sumenyas ulit akong kunin nya 'yon. Inangat nya ang mukha dahilan para magsalubong ang paningin namin at halos matulala ako nang tumambad sa paningin ko ang malungkot nyang mga mata....

     Sa halip na kunin iyon ay tumayo na sya....

     "Ayoko nyan.." kalmadong anya habang pinapagpag ang pang-ibabang uniporme. "Sabi kasi nila, kapag binigyan ka ng lalakeng gusto mo ng panyo...... paiiyakin ka nila" napangiti naman ako

     Tumayo na rin ako. Nang pagbaling ko ulit sa kanya ay bahagya pa akong nagulat nang makitang nakatingin na sya ulit sa'kin. Naghintay akong may sabihin sya ngunit dumaan ang ilang segundo ay....... tumalikod sya ng walang sali-salita.

     "Bakit?" tanong nya nang hawakan ko ang braso nya para pigilan sya sa paglayo

     "What happened?" yumuko lang sya at hinablot ang sariling braso mula sa pagkakahawak ko

     "None of your business" akma syang hahakbang palayo ngunit humarang ako

     Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi sa kanya. Nanatili kaming magkatitigan na para bang nagkakaintindihan kami sa gano'n. Sa ganoong paraan ko rin gustong sabihin na nag-aalala ako. Ilang segundo pa ay sya rin ang pumutol ng titigan namin na nilagpasan ako...

     Napabuntong-hininga ako, "C-Claire.." napahinto sya sa paglalakad pero nanatiling nakatalikod sa'kin. "I-I want you to know.." iyon pa lang ang sinasabi ko pero pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa lakas ng tibok no'n, maging ang binti at kamay ko ay nanginginig pero nilabanan ko 'yon ".... that I am here, i'm just here..... for you" sa wakas ay nasabi ko

     Dahan-dahan syang humarap sa'kin, kasabay noon ang hindi ko inaasahang nakakalokong ngiti nya.

     "Ano na naman ba 'to?" sa tono nya ay bakas ang inis kaya hindi ako sumagot, "Tapatin mo nga ako...."  seryoso pa rin ang mukha nya kaya napalunok ako "....gusto mo ba ako?"

     *tugdug! tugdug! tugdug! tugdug! tugdug! tugdug! tugdug! tugdug!*

     Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko sa tanong nyang 'yon. Nakakamangha dahil parang rinig na rinig ko rin 'yon

     "C-Claire.." nai-usal ko, kinakabahan talaga ako

     "Kung gano'n...... mahal mo ba ako?"

ALWAYS BEEN YOUWhere stories live. Discover now