CHAPTER 10 ✴️ book 2

22 3 4
                                    

⚛ KEI ️⚛️

    *KRIIIIIIIIIING! kriiiiiiiiiiiiiiiiiiing! kriiiiiiiiiiiiiiing!*

     'DAMN IT! ANSWER THE PHONE!'

     "H-Hello" naghahabol hiningang sagot nya! Para naman akong nabunutan ng tinik

     "Claire, itigil mo ang kotse" agad na utos ko. Ngunit katahimikan ang bumalot sa pagitan namin "Tumingin ka sa likod" dagdag ko, "Si K-Kei 'to" mas wala akong natanggap na tugon

     'Tssh, ano bang nangyayari? bakit ba lagi nya akong pinag-aalala----!'

     Nang mapansin ko ay unti-unti nang bumagal ang pagpapatakbo nya hanggang sa huminto ito sa bandang gilid. Nang sandaling iyon ay dali-dali na akong umibis sa sasakyan para puntahan sya

     *tok! tok! tok!*

     Katok ko pa sa kanya. Sobrang pag-aalala ang bumalot sa akin. Nang sandaling buksan nya ang pinto noon ay halos manlumo pa ako nang makita ang itsura nyang sumalubong sa akin

     "T*ng ina!" dali-dali ko syang niyakap. Wala akong pakialam sa ngayon kung anong iisipin nya, "Tell me, anong ginawa nila sayo?" tiim-bagang kong usal

     Noo'y mas humigpit na lang ang pagkakahawak nya sa braso ko. At mas malakas na paghagulhol ang naisagot nya sa akin. Hindi ko napigilang mas makaramdam ng awa sa kanya. Humiwalay ako ng bahagya para pagmasdan sya. Kitang-kita kong nanginginig ang mga kamay nya. Ang paraan ng pagtitig nya sa akin ay para bang humihingi ng tulong.

     Gamit ang isang kamay ko ay hinawakan ko ang dalawang kamay nya. Habang ang isa ay kumilos para punasan ang pisngi nya na basang-basa na dulot ng pagluha

     "Sssssshhhh..." hindi ko napigilan na pamuuan ng luha habang pinagmamasdan sya ngayon. "C-Calm down now" pang-aalo ko

     Noo'y tumango-tango lang sya. Batid kong gusto nya nang pigilin ang pag-agos ng luha ngunit wala syang magawa dahil patuloy ang pagbagsak ng mga iyon.

     Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan na lang sya. Wala sa sariling napatingin ako sa paligid. Hindi na iyon masyadong pamilyar sa akin dahil panay kahoy na ang sumakop sa paningin ko. Ngunit nabuhayan ako nang sa di kalayuan ay may mapansin akong makukulay na ilaw.

     Huminga ako ng mababaw at pilit na ngumiti bago bumaling sa kanya, "Sumama ka sa'kin"

     Nagtatanong na tingin ang isinukli nya

     "Pangako, tutulungan lang kitang kumalma" pilit kong linakihan ang ngiti ko

     Inalalayan ko na lang sya habang papunta kami sa coffee shop na iyon. Matapos mag-order ay hindi ko mapigilang mapuna ang kilos nya dahil panay ang paggala ng paningin nya na para bang napa-paranoid. Kasalukuyan kaming magkaharap kaya kitang-kita ko lahat ng ekspresyon ng mukha nya

     "Okay ka lang?" maingat na tanong ko. Hindi ako sigurado pero marahil ay iniisip nyang baka may nakasunod pa rin sa kanya, "Claire" muling pagtawag ko dahil parang wala syang narinig

     "Ha? Sorry, may sinasabi ka ba?" gulat nyang tanong

     Ipinagkrus ko naman ang dalawang braso ko, "Kilala mo ba iyong mga nakasunod sayo kanina?"

     Agad na kumunot ang noo nya, senyales na naiinis sya sa kasalukuyang sitwasyon, "Hindi. Hindi ko rin alam kung anong kailangan nila sa akin"

ALWAYS BEEN YOUWhere stories live. Discover now