CHAPTER 15

67 4 0
                                    

~* CEDRIC *~

     MUNTIK pa akong mahulog sa sofa nang biglang marinig ang door bell. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog ako at ang pinapanood kong pelikula ay kasalukuyan nang pinapakita ang mga pangalan ng mga gumanap na ang ibig sabihin ay tapos na.

     Napatingin ako sa wall clock na pasado alas-onse na. Napaisip pa ako kung sino ang sasadya sa bahay ng ganitong oras at kung sakali man na hindi taga-rito ay tatawag muna sa amin ang security sa main gate bago papuntahin ito rito dahil masyadong mahigpit ang subdivision namin para tumanggap pa kami ng bisita ng ganitong oras.

    Medyo nagtaka pa ako nang makalabas nang mapagtanto na sobrang tahimik dahil kung sina Claire na iyon ay paniguradong maingay dahil kay Sam. Binalot rin ako ng kaba dahil may kadiliman sa labas dahil kung sila nga iyon ay marahil ay may ilaw ng kotse nina Sam.

     Nang marating ko ang gate, pinakiramdaman ko pa bago buksan ito. Dahan-dahan ko iyong binuksan kaya bawat segundong pumapatak ay mas tumitindi ang kaba ko pero ganoon na lang ang gulat ko nang tuluyang mabuksan ito na wala man lang nakitang tao!

     Tinignan ko pa ang buong paligid, kaliwa-kanan ngunit wala talaga!  Nagsimulang magtindigan ang mga balahibo ko! Gusto kong isipin na dahil iyon sa pinanood kong horror movie pero sadyang iba ang pakiramdam ko. Ramdam ko at sigurado akong may tao sa paligid!

     "WAAAAAAAAAAAAHHHH!!!"

     Ganoon na lang ang lakas ng sigaw ko na halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko! Daig ko pa ang tukturaok ng manok sa sobrang lakas nang tuluyang tumambad sa harapan ko ang imahe ng isang babae na nakayuko at nakasuot ng mahabang damit na sumasayad talaga sa lupa!

     Pero sa lakas ng sigaw ko ay kamangha-mangha na hindi man lang sya natinag na nanatiling nakayuko lang!

     'Sh*t!'

     Sa sobrang takot ay parang nanigas ang buong katawan ko! Ni hindi ako makagalaw! Nanatili lang akong nakatingin sa kanya nang bigla ay natigilan na naman ako!

     'T-Teka....... may multo na ba ngayon na may bulaklak sa ulo? Nakasummer dress at naka....... what the fuuuuuck! Naka-tube???'

     "CLAIRE!" tuluyang sigaw ko nang makumpirma kung sino ang nasa harapan ko!

     Doon ay nag-angat na sya ng tingin....

     "Tssk, ang OA mo" pasinghal na sabi nya

      Nanlaki pa ang mata ko dahil sa gulat. Nakuha nya pa akong lagpasan!

     "Hoy! Anong sabi mo?!!!" pikon talaga ako na humabol pa sa kanya, "Hoy, Claire!" tawag ko pa pero hindi nya pa rin ako pinansin. "Nasaan si Sam? Bakit mag-isa kang umuwi? Wag mo sabihing naglakad ka?! Ha! Ano! Sagutin mo ako!" asar nang anas ko dahil kahit isa ay wala syang sinagot na mabilis na dumiretso sa taas. "Aba, ginaganyan mo na ako ngayon ah! Isusumbong kita kay Papa!" sigaw ko pa na tinanaw na lang sya ngunit hindi pa rin nya ako pinansin

     'Seriously?? Tsh....'

     Kumilos na lang ako para i-check kung naka-lock na lahat at kung naka-off na ang dapat naka-off. Nang makaakyat ay nilingon ko pa ang kwarto nya bago tuluyang pumasok sa kwarto ko at mahiga.....

     'Anong nangyari 'don? Sobrang pagod?!'

     Nakamot ko na lang ang ulo...

ALWAYS BEEN YOUWhere stories live. Discover now