When a murder happen. Its not easy to find the answer: who is the killer? What is the killer purpose of killing the victim? When you found a clue then, doon ka magsisimulang hanapin ang nabuwag na pieces ng puzzles at buoin ito paunti unti."Pinuno, sapalagay mo makakaalis tayo sa lugar na 'to?" Tanong ng lalakeng nakatali pababa ang buhok.
"Kailangan Zed. Kailangan." Sagot ng pinuno nito. Nasa Mid-30s na ito ngunit mapapansin mo parin ang kakisigan at napagwapong mukha nito.
Sa pinaka masukal na kagubatan sila dumaan ng ilang kilometro. Panay huni ng Kwago at ang buwan ay bilog na bilog. Kulang nalang ay ang makarinig sila ng isang tahol ng oso o di kaya ng isang wolf.
Sa mga nakakatakot na palabas sikat ang ganoong eksena.
Madilim ang loob ng kagubatan at katamtamang hangin ang humahaplos sa mga balat nila. Nakahawak ngayon si Claire sa braso ni Wazy at palinga linga ito sa paligid.
Puno takot at kaba ang nararamdaman nilang tatlo. Hindi lingid sa kaalaman nila na tulad ng mga armadong lalakeng 'to ay pwede silang patayin kung nagkamali sila ng galaw.
"Anong gagawin natin?" Pabulong na tanong ni Claire sa binata. Nasa likuran lang nila ang tatlong lalake.
Nakabantay kay Bonnie ang lalakeng pataas ang buhok na kulot.
"Wala akong maisip. Sa ngayon sumunod nalang tayo sakanila. Maybe we can find ways when we get there." Sagot ng binata na pabulong rin.
"Hoy! Anong pinag-uusapan niyo ha?" Tanong ng lalakeng pure kulot at blonde hair na si Sebastian. Biglang nagpanic si Claire at napalunok.
"Non of your business." Wazy fiercely said.
Biglang nag init ang ulo ni Sebastian kaya't hinila niya ang buhok ni Claire.
Napahiyaw sa sakit ang dalaga. "Fvck! Get your hands off on her." Galit na sabi ni Wazy.Hinawakan si Wazy ng dalawang binata sa kamay nito upang hindi makawala at makapanglaban. "Aba, aba! Wag na wag mokong inglisin. Hoy I k-know to speak inglis to." Sabi nito.
"Tanga! English hindi Inglis." Giit ng lalakeng may messy hair at may hikaw sa kaliwang tenga. Sebastian gritted his teeth because of Luis said.
"Aba! Luis tayo magkakampi dito. Pinapahiya moko e." Sabi nito sa binatang si Luis. "Hindi kita pinapahiya. Tinatama kalang." Napairap ang binata dito.
"Get your hands off on her!" Pagalit na pahayag ni Wazy. Tinablan naman si Sebastian sa dead glare na pinupukol sakanya ng binata kaya't nabitawan nito ang buhok ni Claire. "Okay.. okay... eazy lang bro."
"Pwede lumakad nalang kayo!" Pagalit na lumakad papunta sakanila ang pinuno nila na si Tony. Napailing nalang si Zed sa nakita nilang alitan.
Tinabig ni Simon ang shoulder ni Sebastian at naunang lumakad kasama si Bonnie na tulala at nagpapatangay nalang sa bawat hatak sakanya ng binata.
"Hey! Please don't drag her like that!" Sigaw ni Claire.
Itinaas ni Simon ang kamay nito at ginalaw ng pakaway. "Yes I will, Miss." Sagot nito sa dalaga.
Napabuntong hinga nalang si Wazy. Kahit magwala siya wala parin siyang magagawa. Madami sila at nag-iisa lang siyang lalake sa grupo nila.
Nagpatuloy silang naglakad hanggang sa nakarating sila sa isang lugar na puno ng bahay. "Is these place is haunted?" Napatanong si Claire.
BINABASA MO ANG
12 Midnight
Historia CortaPlay along on his mini game, you cannot quit, all you need to do is to win before you can escape. Try not to take it seriously and you will taste your death at exactly 12 midnight.