Chapter 11

184 4 4
                                    

"Still sleepy?" Lea asked and Gabie just nodded. Antok na antok talaga ang dalaga.

Dahil sa nangyari kagabi, hindi nakatulog si Gabrielle ng maayos. Magdamag niyang inisip kung ano ba ang gustong sabihin ni Yohan at kung bakit kailangang maging personal. Idagdag pa ang katotohanan na kinakausap na siya ni Zion. Hindi iyon nakatulong sa kanya lalo na't siya na lang ang naiilang dito.

She just feel that it's weird.

They left the place early that Gabie suffered more. She just decided to sleep in their trip. Katabi pa niya si Zion pero hindi niya muna iyon inalala dahil mas kailangan niya ng tulog.

But it was too short. Parang lalo pa yatang hindi bumuti ang kalagayan niya dahil nabitin siya sa kanyang pag-idlip. Napilitan tuloy siyang uminom ulit ng kape para magising.

Sanay ang dalaga magpuyat. Sadyang hindi lang kinaya ng katawan niya ang pagod dahil sa ginawa nilang pag-akyat ng bundok sa Tagaytay. Nasanay na rin ang body clock niya na matulog ng matagal para sa isang araw simula nang dumalang ang pagtatrabaho niya.

They had just arrived in Boracay. Papunta sila ngayon sa isang hotel na tutuluyan na si Zion rin ang nag-asikaso.

Napansin naman siya ng lalaki nang umalis si Lea sa tabi niya. Zion slowed down his pace to come near her and look straight in her sleepy eyes. What made Gabie surprised is when the guy hold her shoulders and started shaking her. She cursed when he didn't stop.

"What are you doing?!" Gabie shouted in a shaky voice. Bigla siyang nahilo dahil doon pero nagising ang sarili niya... Dahil sa inis.

The guy stopped and showed his infamous straight face.

Oh great. Hindi pa pala nawawala 'yan sa kanya. Sa isip ni Gabrielle.

"Matulog ka kapag nakapag-check in na tayo. I told you last night to sleep early," sabi nito sa kanya. Umaarte na naman itong parang kuya niya kung makasermon.

Pero parang biglang natuwa ang sarili niya nang sabihin nitong pwede siyang matulog. Gustung-gusto na talaga ng katawan niyang magpahinga.

And after Zion assigned them in their room numbers, she went straight to her room and lay on the bed. Hindi na rin niya nagawang ayusin ang mga gamit. Nakatulog siya agad at hindi napansin ang pagkatok ng mga kasama niya.

It was almost three in the afternoon when she woke up. Sinubukan niyang kumatok sa mga kwarto nito pero wala ring sumasagot. Una niyang hinanap ang kanyang phone. Luckily, she has Lea's number.

"Hello?"

"Gabie! Finally, you're awake!" It was Lea but she can hear unfamiliar voices on the other line. Where could they have been?

Agad niyang tinanong kung nasaan ang mga ito. Hindi rin kasi niya matiis ang mag-isa. "We're already at the beach. The boys want to have fun"

So do I need to went there? Sa isip ni Gabrielle. Hindi niya alam kung ano ang pwede niyang gawin sa dagat. She doesn't want to swim.

"You should be here. Come on! You'll miss the fun," sabi ni Lea na parang nalaman ang kanyang pagtahimik. She just said yes. Pero nag-iisip na siya ng pwedeng gawin mamaya. Kukuhanan na lang siguro niya ng litrato ang dalawa at ang lugar.

Binuksan niya ang kanyang maleta at naghanap ng pwedeng maisuot. Mabuti na lang at may nadala pa rin siyang damit nang biglaang sinabi ni Zion ang pag-alis nila.

She chose to wear a green printed maxi dress and a pair of gold sandals. Then she tied her hair into a messy bun before applying a sunblock on her skin. Sensitibo pa naman ang balat niya pagdating sa sikat ng araw.

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon