Chapter 28

142 1 59
                                    

Tulad ng napag-usapan, umuwi si Gabie sa bahay ng magulang kinabukasan. Maaga siya pumunta pero nagulat ang dalaga na naghihintay na ang mga ito sa kanya. It seems that her parents are expecting her to be early. Lalo na at maaga din ang mga itong naghanda ng kakainin nila.

Nandoon din ang mga kuya niyang nakipagkwentuhan agad sa kanya. She really missed them. Nalaman niyang ilang araw na pala simula nang makabalik ang mga ito. They just didn't tell her for a surprise. Umuwi raw muna ang dalawa niyang kuya sa sariling pamilya. Malapit na kasing manganak ang asawa ng Kuya Dan niya at plano munang tumigil sa trabaho para magampanan ang pagiging tatay sa magiging anak. Maging ang Kuya James niya ay nagpaplano na rin.

Nagtanong naman agad ang magulang niya habang sila ay nagsasalo. Ayaw na nila palampasin ang pagkakataon. Mukhang alam na nila ang tungkol kay Zion dahil hindi sila nagtatanong tungkol sa binata. Naikwento na yata ng kanyang mga kuya ang tungkol dito kaya siya naman ang ginigisa.

But luckily, her parents allow her to be in a relationship. May tiwala naman sila sa dalaga sa magiging desisyon niya at pumayag din ang mga kuya niya para dito. Hindi na rin naman daw kasi siya bata para pagbawalan pa sa pakikipagrelasyon. Napaghuhulihan na nga si Gabie sa kanilang magkakapatid.

Tuwang-tuwa naman si Gabie dahil doon. She even couldn't stop herself from telling stories about Zion. She felt sure that they will like him. Her parents wanted to invite him on Christmas Eve kaso may kasunduan na sila Gabie na sa sariling pamilya muna sila magse-celebrate. Naalala niyang sinabi ni Zion sa kanya that she should be with her family on Christmas, especially with her brothers. Alam kasi nitong matagal din silang hindi nagkita. Gusto sana niyang makasama ito kaso alam niyang tama ang binata.

Mabilis lumipas ang mga araw bago ang Pasko. Madalas niyang nakakausap ang mga kaibigan. Rienne will spend the Christmas with her family. Nakaalis na rin si Ziek sa apartment nila dahil malapit na ang kaarawan ng nanay nito. Hindi rin nakakalimutan ni Zion na kumustahin siya araw-araw. Lalo niya tuloy gustong makita agad siya.

And when Christmas Eve has come, kausap niya ang binata bago ang pagsasalo-salo nila ng pamilya. Bumati sila sa isa't isa bago nagkwentuhan. Zion promised that he will give his present after the first of January. Hindi rin kasi nila magkasamang sasalubungin ang Bagong Taon.

Gabie made a mental note of that day. Bago kasi umalis si Gabie, hindi sila nakapagpaalam ng maayos kaya hindi niya naibigay ang regalo. Besides, she has a plan that will make him happy. Iniisip niya na ang magiging reaksyon ni Zion kaya ngiting-ngiti siya kahit binaba na nila ang tawag at sumalo siya sa pamilya.

Madami siyang natanggap na regalo mula sa mga kapatid. Bukod pa kasi ang mga pasalubong nito para sa kanila. Her two brothers' wives and Peter's girlfriend are with them. Kaya kahit maingay sila sa bahay, masaya naman si Gabie na makitang kumpleto sila. Busog na busog din silang lahat sa dami ng hinandang pagkain.

Nag-stay ang asawa ng Kuya Dan niya. Dito na rin daw ito magse-celebrate ng Bagong Taon. Ang Kuya James naman niya at ang asawa nito ay umuwi sa sarili nilang bahay. At ang Kuya Peter niya ay kasama ang pamilya ng girlfriend nito.

Masaya nilang sinalubong ang Bagong Taon kahit mas tahimik ito kaysa noong nakaraang taon. Pakiramdam din ni Gabie ay nadagdagan na naman ang timbang niya sa dami ng nakain. Pero minsan lang ito kaya hinayaan niya ang sariling kumain ng marami. Saglit lang din sila nagkausap ni Zion dahil abala yata ang binata. Magkikita rin naman sila kinabukasan. Napangiti siya dahil doon.

She can't wait to give her gift.

But when that day has come, Gabie hated herself for expecting. Tumawag kasi si Zion sa kanya na nasa shoot ito kaya hindi siya masusundo. Naiintindihan naman iyon ng dalaga pero hindi niya maiwasang malungkot. Inaasahan niya kasing dadating ito.

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon