It had been a disaster for Gabie. Ilang linggo na siyang nahihirapan dahil sa setup nila. Yohan and Zion are courting her and the two guys are very competitive. Hanggang kaya nilang dumalaw araw-araw sa bahay ng dalaga, gagawin nila. Minsan pa nga ay nagpapaunahan ang mga ito sa pagyayaya ng date sa kanya.
The guys met when both of them visited Gabie, one day. Pareho din nilang kilala ang isa't isa. Zion knew Yohan as Gabie's crush before. While Yohan knew him for being one of the models in their last shoot.
Gusto niyang matuwa dahil nandoon ang dalawa para sa kanya. Pero hindi niya ito nagawang maramdaman ng magkasubukan ang mga ito. Kapag ang isa ay gumagawa ng paraan sa dalaga, lalapit din ang isa at aagawin ang atensyon niya. They are trying to win her attention. Na nagresulta naman sa pagkainis niya. Pinaalis niya ng bahay ang mga ito nang hindi na siya nakapagtimpi.
They are arguing inside of my house for Pete's sake!
Because Yohan doesn't want to stop courting her, he keeps on doing his routine. Sending her messages and giving presents that this time, he personally gave those. Wala nga yatang balak sumuko. Na ikanakabahala din ng dalaga.
Samantala, si Zion naman ay madalas siyang pinapadalhan ng mga cd. Nalaman niyang ito ang nagbigay sa kanya noon nang hindi nito sinasabi. She saw his penmanship and that's when she confirmed. Hindi naman iyon tinanggi ng binata at tinanong kung nagustuhan niya. Gabie said yes. In fact, some of the songs are sung by Zion. Some are only instrumental and what remained are original songs he dedicated to her.
But now, she decided to have an alone time for herself. She badly needs a break. The past few weeks had been a roller coaster ride for her. One time, she'll be happy but suddenly becomes irritated because of the two guys' presence. Para silang mga batang ayaw magpatalo sa isa't isa.
Hindi na nga alam ni Gabie kung maganda pa ito. Napansin niyang lalong lumalala ang sitwasyon. Hindi tumitigil si Yohan at hindi rin nagpapatalo si Zion. Parang gusto na lang niya makuntento sa anong mayroon sila noon. Gusto niyang mamili pero ayaw niyang may masaktan. Kaya siya rin ang naiipit bilang resulta.
Her two friends come with her. Pumayag na rin siya dahil sa gusto niya ring makausap ang mga ito. Kailangan niya ng mapagsasabihan at payo. Sa bahay ni Greg sila pumunta ng hindi nagsasabi. Naabutan tuloy nila itong tulog na tulog sa kwarto. Marahil ay pagod sa trabaho. Pinatuloy lang sila ng kasambahay dahil sa kilala na sila dito.
Greg has a huge house. Pinag-ipunan ito ng lalaki sa loob lang ng isang taon. It has a modern style with black and white motif. The furniture are not as many as it seems kaya lalong lumawak sa loob. There are his wide kitchen, two comfort rooms, his office, a master bedroom and two bedrooms including his own with a balcony. He also has a pool outside!
They sat in Greg's soft black sofa. Kumuha ang dalawa niyang kaibigan ng business magazine sa center table nito para basahin. Maya-maya pa ay humiga na si Gabie dito at sinolo ang mahabang upuan.
"Good morning!" Bati nilang tatlo kay Greg na lumabas na ng kanyang kwarto. His eyes are still sleepy when he climb down the stairs.
"The three of you really know how to ruin my morning," he said. Magulo pa ang buhok nito at nakasuot pa ng sando at pajama. Halata rin sa boses nito na kakagising lang niya. Tumawa lang ang tatlong dalaga para lalong masira ang kanyang araw. "What brought you here?"
"We just wanted to unwind," Gabie answered with a wide grin on her face, still on her position. "And I missed you Greg!"
The guy frowned with the last words. Ayaw nitong nilalambing siya. Wala itong ka-sweet-an sa katawan.
"Gusto niyo lang talaga makalibre ng pagkain kaya dito na naman kayo dumayo," sabi nito bago pumasok sa banyo to do his morning rituals.
That was partly true. Paubos na kasi ang mga groceries sa refrigerator nila kaya kailangan na nila itong pagsaktuhin hanggang Sabado. Hindi katulad ni Greg na parang hindi nauubusan ng stocks. Madalas kasing inuubos nito ang oras sa trabaho at anong oras na ring umuuwi sa bahay. Nakakalimutan na nga nitong kumain sa sobrang subsob sa mga ginagawa.
BINABASA MO ANG
Let Me Be
ChickLit(First Book of LET Series) Gabrielle Sandoval is a photographer. Photography is her way of showing her creativeness. It is her passion. Kaya hindi rin siya tumanggi agad nang muling mag-offer sa kanya ang editor ng magazine na ilang beses din niyang...