"Hi birthday girl!" Bati ni Kael sa kanya nang makapasok na sila sa bahay. Kasama nito ang buong banda. Including Zion.
Gabie was relieved because they came right on time. Naputol ang pag-uusap nila kanina ni Yohan kaya nakaiwas siya sa kahihiyan. Ngayon lang niya napagtanto na habang kausap niya sa telepono ang mga kaibigan, naririnig din ng binata ang kanyang mga sinabi. And that made her really surprised. She was left dumbfounded a while ago!
Akala pa naman niya, masusurpresa na talaga siya dahil nakapunta ito ngayon. Pero mas ikinagulat pa niya ang katotohanang narinig nito ang lahat.
Kung bakit naman kasi napakaingay ng bibig kong 'to minsan eh!
Pinakilala niya si Yohan sa banda. Then she tried to divert her attention at kinausap na lamang ang Rhythm Destruction.
"Regalo ko?"
"Ha? Kailangan pa ba niyon? Kakantahan na lang kita," sabi ni Kael at bigla nga itong kumanta sa harap niya. Tumawa ang lahat dahil sa sintunado ito. Mabuti na lang at si Justin ang bokalista nila.
But she's not comfortable. Kapag tumatawa kasi siya ay biglang magagawi ang kanyang tingin kay Yohan. At nahuhuli niyang nakatingin sa kanya ang binata. She had no choice but to avoid his gaze.
Pero sa kakaiwas naman niya ay hindi niya napapansing lumalapit siya kay Zion. Katabi niya kasi ito na seryoso na naman ngayon. Hindi niya talaga alam kung kailan ito maingay at kailan tatahimik.
Maya-maya pa ay dumating na si Lance. Tinulungan agad nito si Edziek na nag-uumpisa ng magluto. Tapos na ring mag-ayos si Adrienne kaya sumama ito sa usapan nila. Iniirapan siya nito kapag sinasamaan niya ng tingin. Hindi pa rin kasi niya makalimutan ang nangyari kanina. Nagtatampo pa rin siya sa dalawa. Hindi kasi nila sinabi agad sa kanya.
Then they heard Frederick's motorcycle. Pumasok ito agad nang marinig ang kanilang pag-uusap.
"Mga pre!" Bati nito sa banda. Napatigil lamang ito nang makita si Yohan. Hindi pa niya ito napapakilala sa barkada. "Bagong kasapi? Hi bro!"
"Frederick, si Yohan. Editor ng magazine na pinagtrabahuan ko," sagot niya. Tumango lamang ito at nakipagkamay kay Yohan. Binati siya ng kaibigan at binigyan siya ng makabuluhang tingin. Kumunot lamang ang kanyang noo at umiwas rin ito. Minsan ay hindi niya maintindihan ang gusto nitong sabihin.
"Si Greg? Nasaan?" tanong ni Gabie.
"Busy sa trabaho. Babawi na lang daw siya. Si Edziek?"
"Nasa kusina. Nagluluto kasama si Lance," sagot ni Adrienne na nakataas ang kilay. Naaasar talaga ito kay Frederick kapag ang kaibigan nila ang unang hinahanap at kinukulit.
"Nakakatampo na. Bakit laging kay Lance siya nagpapatulong? Nandito naman ako," sabi nito sa nagtatampong boses. Sumunod naman ito sa kusina kaya naiwan ulit sila. She needs to bear the awkwardness between her and Yohan.
Nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa pagkakaroon ng ingay sa pagitan nila. Nag-umpisa kasing magkwento si Kael na tinatawanan ng magkakaibigan. Masaya kasama ang mga ito. Parang walang nakakatagal sa katahimikan sa apat na lalaki. At dahil doon, pansamantalang nakalimutan ni Gabie ang nakakahiyang nangyari kanina.
Nagkasundo silang lahat na magkantahan muna habang hinihintay ang mga pagkain. Magpapaligsahan daw ang apat at si Gabrielle ang pipili ng mananalo. The band forgot to bring their instruments but luckily, Edziek has a guitar. Iyon na lang daw muna ang gamitin.
Justin volunteered to sing first. Their songs will be dedicated to the celebrant. Ngiting-ngiti si Gabie ng mag-umpisa itong kumanta at si Cyrus ang tumugtog ng gitara. Hindi maitatangging maganda talaga ang boses nito. Tumahimik pa silang lahat para pakinggan muna si Justin. Kumanta rin si Kael pero hindi nagpapilit si Cyrus. He just volunteered to play the guitar for them.

BINABASA MO ANG
Let Me Be
ChickLit(First Book of LET Series) Gabrielle Sandoval is a photographer. Photography is her way of showing her creativeness. It is her passion. Kaya hindi rin siya tumanggi agad nang muling mag-offer sa kanya ang editor ng magazine na ilang beses din niyang...