Chapter 15

156 4 8
                                    

Iyon na yata ang pinakamasayang kaarawan niya. Bukod sa nakasama niya ang pamilya at mga kaibigan, umamin na rin si Yohan ng nararamdaman para sa kanya. Buong araw nakangiti si Gabrielle. Hindi na niya iyon matanggal hanggang sa makatulog na lang siya.

Ganoon pala ang pakiramdam ng gusto siya ng taong nagugustuhan niya. Hindi na siya aasa lang, kasi alam niyang mayroon na. Safe na siyang mag-assume.

Nahalata naman ito ng mga kaibigan niya pero nagtaka siya ng bigla nilang banggitin ang tungkol sa panliligaw ng binata. Mas nauna pala nilang nalaman dahil nagpaalam din ito sa kanila. Which proves that Yohan respects her. Humingi pa kasi ito ng permiso sa mga kaibigan niya.

Nawala na din ang pagtatampo niya sa dalawang dalaga. Bawing-bawi kasi ang ipinagtapat ni Yohan at ang surpresa nila.

Of course, Gabie told her parents about Yohan when she got home. Hindi na bago sa mga magulang niya na may nanliligaw sa kanya pero nahalata din ng mga ito ang pagkatuwa ng anak. Masaya sila para sa kanya lalo na't gusto na rin nila itong magka-nobyo.

May mga asawa't anak na ang dalawa niyang nakakatandang kapatid. Ang kuya Peter niya naman ay mayroon na ding kasintahan. Humahanap na lamang ito ng pagkakataon para yayain ang babae na magpakasal. Habang siya ay wala pa rin. Malapit na ngang lumagpas ang edad niya sa kalendaryo, 27 na kasi siya.

Pero hindi nagmamadali si Gabrielle. Aminado rin naman siya na kasalanan niya din ito dahil mapili siya sa mga manliligaw. Mataas kasi ang standards niya sa mga lalaki.

Pagkatapos ng kaarawan niya, tumambad agad sa harap ng pintuan ng apartment nila ang mga bulaklak. Sa tabi nito ay ang isang magazine. The fashion magazine that they worked on it. A note was stick on its cover.

Good morning! I hope you will like these flowers. You're as beautiful as them :)

-Yohan

Napangiti ang dalaga at nagpalinga-linga sa paligid kung nandoon lamang ito. Pero mukhang sinadya lang nitong iwan para isurpresa siya. Hindi mahilig sa bulaklak ang dalaga pero dahil galing ito kay Yohan, mabilis niya itong kinuha.

"From Yohan?" Edziek asked with her sketchpad and pencils in her hands.

She just happily nodded. Dumiretso agad siya sa kusina nila para hanapin ang tinagong mga vase ng kaibigan. Sakto namang nandoon din si Adrienne na abala sa kanyang laptop. May isinusulat ulit itong kwento.

"Good morning, Rienne!"

"Tss. Walang good sa morning kung panliligaw agad ang nakikita kong inaatupag niyo," she said and rolled her eyes.

Hindi na lang siya gumanti dahil alam niyang nabi-bitter na naman ang kaibigan. At masyadong maganda ang umaga niya para masira agad.

While carefully arranging the flowers and checking for the magazine, her phone starts to ring. Lalong lumawak ang ngiti niya ng mabasa ang pangalan nito.

"Hello?"

"Hi Gabie!" Syems! Iyong boses niya!

Napakagat siya ng labi dahil sa kilig na hindi niya mapigilan. Nakita niyang umalis pa si Adrienne sa pwesto nito ng makita ang kanilang eksena.

"Did you like it?"

"Of course!" Galing sa'yo eh!

She heard the guy laughed when she cheerfully answered. Halatang-halata sa dalaga ang tuwa na kausap ito. Sayang nga lang at hindi ito tumuloy kanina nang ihatid nito ang mga bulaklak. Naikwento niya agad na sobrang nagustuhan niya ang kinalabasan ng magazine. Yohan was flattered and didn't forget to thank her.

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon