Epilogue

283 4 67
                                    

"The studio will look awesome," komento ni Zion pagkasakay nila ng kotse. Sinundo kasi niya ang kasintahan mula sa studio na malapit na nilang matapos. Agad namang napangiti si Gabie sa sinabi niya.

"Thanks for Ziek and Fred's help," biro nito kaya sumimangot agad siya. "Joke lang. Thank you rin, Zion."

Masaya si Zion makitang excited si Gabie sa bagong studio nito. Bago pa ang kanilang hike, tinutulungan na niya ang dalaga kapag may mga kailangan siyang gamit. Kahit ang mga kulang nitong equipments ay siya ang bumibili. Lagi siyang sumasama sa kanya kapag may aayusin ito. And it makes him happier being with her. Her happiness become important for him.

Her friends, Ziek and Fred helped them with the house's renovation and interior. Mag-uumpisa na silang magpintura. Kulang na lang din ang mga gamit na ilalagay nila. Gabie told the news to Ben, her assistant. Pumayag din agad ito at tumulong sa kanila. Madalas na itong makakasama ni Gabie sa trabaho ngayong may studio na sila.

"Gab, tell me not to drink alcohol later," he suddenly told her. Napansin niyang ngumiti ito dahil siya na ang nagbilin sa kanyang pagsabihan siya. Ayaw niya lang magalit ito kapag nakainom siya. Siya pa naman ang magmamaneho.

They are going to Greg's house. Birthday na kasi ng kaibigan nila at tulad ng napag-usapan, doon sila magse-celebrate. They brought their presents.

"Hindi ka rin naman pwedeng uminom kasi iuuwi mo pa ako," she replied that made him grinned. Sandaling tumingin si Zion sa kanya bago bumalik sa pagmamaneho.

"I know. Kaya nga iniingatan kita," hindi na napigilan ni Gabie ang tumawa. He can be sweet sometimes, nasanay siya sa nanay niya. Pero pagdating kay Gabie, natural niya itong nagagawa. Na parang matagal niya na itong ginagawa para sa kanya.

He wanted to see her smiling and blushing. He always find her beautiful. She also looks cute when she tried to avoid his gaze. And her laughter is also his daily dose of joy. Kaya parang gusto niyang sanayin ang dalaga sa mga banat niya.

They played some music on the whole ride. Maganda ang boses ng dalaga. Pareho pa nilang sinasabayan ang mga kanta kaya maingay sila at tumatawa. Zion felt nice to hear their laughter. It was like their own music that they both made on their ride.

Ganoon naman lagi kapag kasama niya si Gabie. Kahit minsan nahihirapan sila o ang isa man sa kanila, they can still find happiness along the way. He's thankful for that. And Gabie is one of his reason to continue on the life's journey they will both share.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bahay ni Greg. Naka-park na ang kotse ng mga kaibigan nila. Kahit si Fred na lagi daw late ay mukhang nandoon na rin. Zion hold her hand after getting their presents on the backseat.

"Oy yung lovebirds!" Tukso agad ni Fred pagkapasok nila. Binati muna siya nito bago si Gabie. Sunod-sunod ang pang-aasar ng iba dahil hindi niya binibitiwan ang kamay ng kasintahan.

"So that's why it took you so long," sabi ni Adrienne na prenteng nakaupo na sa sofa.

"Iba na talaga 'pag may ka-ibigan," dagdag ni Fred na pabirong tinutusok-tusok sa braso si Gabie. Naiiling na lang ang dalaga sa mga ito.

"Shut up, Fred. Palibhasa kaibigan ka lang para sa kanya," Gabie said that made them laughed. Zion was amused on her retorts. Napakamot lang sa ulo si Fred at napangisi.

"Ziek, kaibigan nga lang ba?" Lalo silang natawa nang si Fred na ang nagtanong sa dalaga. Umarte pa itong parang batang nagtatampo. Ziek didn't answered or looked at him. Si Fred naman ang inaasar nila ngayon.

"I hate it when you guys are here. Ang iingay niyo," they heard Greg said. Galing ito sa kwarto niya at mukhang kapapalit lang ng damit. Galing siguro ito sa trabaho.

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon