Chapter 4

355 13 9
                                    

It's been two days since Gabrielle agreed to work for Zion. She's reluctant at first but still grabbed the opportunity. Hindi niya kasi alam kung kailan magkakatrabaho ulit. Ayaw na niyang maghintay ulit ng dalawang buwan para magkaroon ng kliyente.

Dalawang araw na rin nang huli niyang makita si Zion. He just asked for her contact number because he wanted to make sure she'll not disappear and turn down their deal. Walang nagawa ang dalaga kundi ibigay ito kahit na siya ang hindi dapat magtiwala sa kanya. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya nito tinatawagan at kinakausap tungkol sa detalye ng kasal.

Nang gabi ring iyon, ibinaba siya ni Zion sa mall pagkatapos ng pag-uusap nila. Nagmamadali raw kasi ang lalaki kaya hindi siya maihahatid nito. Alam naman ni Gabrielle na wala talaga itong balak na ihatid siya pauwi. Naiinis man, sumunod na lang ang dalaga. Malapit lang naman ito sa pinagtatrabahuan ni Edziek kaya't magpapasundo na lang siya.

Bago rin siya makababa ay ibinigay ni Zion ang memory card. Hindi inaasahan ni Gabrielle na ibibigay nito agad sa kanya. Nagtataka pa siyang tumingin dito at nagdalawang-isip na kunin.

"Just think of it as a down payment. And so that it'll remind you of our deal."

Nang maalala ni Gabrielle ang sinabi nito ay napatingin siya sa memory card. Napabuntong-hininga siya nang maisip na kailangan niya talagang magtrabaho para sa lalaki. She convinced herself that she just need to work professionally, pero pakiramdam niya ay hindi niya talaga ito makakasundo.

Nakwento niya na rin ito sa dalawa niyang kaibigan. She just said her rants that night on their way back home. Nasa trabaho ang mga ito ngayon kaya siya lang ang naiwan sa bahay.

Nasa kwarto si Gabrielle at kakatapos lang niyang mag-edit ng pictures. Kailangan na lang niya i-send ito kay Ben para maumpisahan ang portfolio. Binigyan naman sila ni Yohan ng sapat na panahon para gawin ito pero gusto niya pa ring tapusin ito ng mas maaga. Masyado nga ata siyang nagpapakitang-gilas sa lalaki.

Her eyes feel tired. Dalawang araw din siyang nakatitig sa kanyang laptop para mag-edit. Gusto niya na lang magpahinga kaso naalala niyang magkikita-kita ang barkada ngayon. It's been like their routine na napagkasunduan din ng lahat. Sa isang buwan, kailangang magkita-kita sila kahit dalawang beses. At ngayong sobrang busy nila, ayaw niyang palampasin ang pagkakataon dahil bihira na lang sila magkita.

Napatingin siya sa orasan. Matutulog muna siya dahil may oras pa bago ang napag-usapan nila. Humiga siya sa kanyang kama at ilang sandali pa ay nakatulog siya agad.

*****

"Mabuti na lang pala umuwi muna kami," sabi ni Adrienne na nasa shotgun seat. "Kung hindi, baka tulog ka pa rin hanggang mamaya at maghintay kami sa'yo."

Gabrielle just chuckled. Hindi niya naalalang mag-alarm bago matulog dahil sa sobrang pagod. Mabuti na nga lang at naisip ng mga kaibigan niyang umuwi muna at daanan siya.

Iyon nga lang ay isang oras na lang bago ang napag-usapan nilang kitaan. Mabilis na naligo at nag-ayos si Gabrielle dahil rush hour pa naman ngayon. She's wearing a mint green loose sleeves top and pants na una niyang nakita sa kanyang drawer. Nagsuot din siya ng sneakers para kumportable.

Late na sila nang makarating sa bar & cafe. Madalas silang pumunta sa mga bar na may live bands dahil mahilig silang manood ng ganito. Itong lugar din ang pinakapaborito nila sa lahat. It looks like your typical townhouse compund. It has a warm lighting and wooden furniture. The place also looks spacious na gusto nilang magbabarkada. The bands would play on the ground floor and they have a good sound system that makes them enjoy the music more. Masarap din ang mga pagkain dito.

Greg and Lance are already on their favorite spot, waving at them. They are their close friends since high school. Greg is the inheritor of his dad's company. Sa kanilang lahat, ito ang pinakabusy kaya minsan na lang nila ito nakakasama. Mukhang seryoso ang kaibigan nila ngayon pero hindi talaga nawawala ang kalokohan kapag kasama sila. While Lance, he's a chef. He owns a restaurant now. Kaya kapag nagkayayaan ng kainan ang barkada, sa restaurant agad nila para makalibre. Galante naman ang kaibigan kaya sinusulit na nila.

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon