"Huwag kang yumuko, mahihilo ka," Zion said, straightening her up. Pero nanlalambot na talaga ang mga binti niya.
"I can't," hinihingal na sabi ni Gabie. "Can we stop... for a while?"
Umiling naman si Zion. He still holding her on the shoulders. "We need this exercise, Gab."
Napakapit na talaga ang dalaga sa braso nito. Hindi siya sanay tumakbo o kahit mag-jog. Zion told her to have a daily exercise routine for their first hike together. He has a plan to make a new vlog on Mt. Ulap in Benguet. Kaya kailangan daw nasa kondisyon ang katawan nila para hindi mahirapan umakyat.
But it's been two days since they started to run, Gabie wanted to surrender.
"Do you follow the proper breathing while you run?" Zion asked her.
"You mean... while I jog?" That made the guy smirked kaya tumango na lang siya.
Hindi naman siya sigurado kung tama nga ba ang ginagawa niya. Ilang beses nang ipinaliwanag ni Zion iyon sa kanya para maiwasan din ang injury pero parang hindi niya magawa ng tama. Nahihirapan siyang mag-concentrate kung mabilis siyang mapagod at hindi pa gising ang diwa niya sa sobrang aga. Kahit nang mag-warm up sila ay inaantok siya. She's really not a morning person.
"Lean on me," sabi ng binata at mabilis na pumunta sa likuran ni Gabie. Inihilig siya nito sa kanyang katawan para hindi makayuko ang dalaga at makasandal siya. Naramdaman naman niya ang mainit nitong katawan na nagpabilis lalo ng tibok ng puso niya. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi siya makapag-concentrate.
Gwapo pa rin si Zion kahit tumakbo na sila. Parang hindi man lang ito pinagpapawisan at hinihingal. And while Gabie ran slowly, the guy followed her pace. Sinasabayan siya nito kahit napansin ni Gabie na napakabagal nga ng takbo niya. He's showing his patience to encourage her.
"Water?" Tanong sa kanya ni Zion. Mabilis niya itong inabot at uminom. Pati lalamunan niya ay gusto na rin magprotesta. She thinks her weight that she gained on holidays will lose easily.
"Ilang oras na tayong tumatakbo?" Tanong ni Gabie. Bahagya siyang lumingon dito para makita ang mukha ng binata. Matangkad si Zion at hanggang baba lang siya nito. The guy met her eyes, amused.
"Twenty minutes."
"What?! That's just twenty minutes?" Nanlalaki ang mata ng dalaga. Ayaw niyang maniwala na minuto pa lang ang inaabot ng tinakbo niya. Pagod na siya at sinabi ni Zion na kailangan nilang makatapos ng tatlong laps sa araw na iyon.
But he just laughed and faced her now. Pinunasan nito ang pawis ng dalaga na ngayon ay nakabusangot na. She wanted to hike with him but she can't do her exercise properly. Pagtakbo pa nga lang ay gusto niya nang umupo o kaya matulog.
"You can do it, Gab. Just follow the proper breathing. You can run slowly as you like," sabi nito sa kanya. "You're body's adjusting that's why we're trying to do it everyday. I'll run with you."
Hindi na makapagreklamo si Gabie dito. Malumanay na naman kasi ang boses ng binata at paulit-ulit nitong sinasabi sa kanya. Besides, it was also for her. Kung hindi siya susunod sa exercise routine nila, siya rin ang mahihirapan sa pagha-hike. Ayaw pa naman din niyang maging pabigat dito kapag nandoon na sila. They only have three weeks before that day.
"Okay. But can I stop to rest?"
He nodded. "Huwag ka lang yuyuko. Just walk if you feel tired then wait for your breathing become normal again."
It was a long time since Gabie last hiked. Ang barkada ang kasama niya noon. Malalakas naman ang mga kaibigan niyang lalaki kaya hindi napagod agad sa pag-akyat. Sanay naman si Ziek dahil may bundok sa kanilang probinsya na inaakyat nilang magpi-pinsan. Silang dalawa ni Rienne ang pagod na pagod. Pero kahit ang kaibigan niya ay nasasanay na rin sa pag-akyat at hindi na nahihirapan. Siya na lang talaga.
BINABASA MO ANG
Let Me Be
ChickLit(First Book of LET Series) Gabrielle Sandoval is a photographer. Photography is her way of showing her creativeness. It is her passion. Kaya hindi rin siya tumanggi agad nang muling mag-offer sa kanya ang editor ng magazine na ilang beses din niyang...