"Why are you wearing a dress? Pupunta ka bang kasal?" Tanong ni Adrienne sa kaibigang kanina pa nasa harap ng salamin. Napatingin siya sa kanyang repleksyon bago humarap sa kausap.
"Bakit? Hindi ba bagay sa akin?" Tanong niya kaya lalo siyang naaligaga.
Sakto namang pumasok ang isa pa niyang kaibigan sa kwarto at tumingin sa kanya. Tapos na rin itong mag-ayos tulad ni Adrienne at siya na lang ang hindi. Napansin niya ang pagkunot ng noo ni Edziek. She grunted when her friend asked the same question.
"Pumili ka na lang ng masusuot diyan na mas matino. Alam mo bang male-late na ako dahil sa kabagalan mo?" Sabi ni Adrienne bago lumabas ng kanyang kwarto.
She still doesn't know what to wear and her friends doesn't help. Lalo siyang na-pressure. Hindi niya alam kung iyong suot ba niya ang problema o siya mismo.
Hindi naman talaga siya mahilig mag-ayos. Kadalasan ay kung ano na lang ang makita niya ay iyon ang kanyang isusuot. Pero dahil importante sa kanya ang trabaho ay na-e-excite siya. At dahil na rin magkikita ulit sila.
Napatingin ulit siya sa kanyang repleksyon. She's wearing a dress that reaches her knees. Hindi naman ito revealing dahil may manggas ito at hindi rin mababa ang neckline. Pero hindi pa rin niya makita ang problema.
In the end, she choose to wear her favorite green dress and her black ladies suit that Edziek recommended. Sleeveless ito at parang stencil skirt ang disenyo ng palda na abot rin hanggang tuhod na sinamahan ng suit. It is simple and formal yet stylish. Hinayaan niyang nakalugay ang buhok at nagsuot ng heels.
Nang makuntento na sa suot ay dali-dali siyang lumabas ng bahay dahil nakailang busina na ang kaibigan mula sa kotse. Hindi na talaga makapaghihintay ang kaibigan niya.
"Heto na nga eh!" Sabi niya nang makaupo siya sa driver's seat. Nasa tabi niya si Edziek at nasa backseat naman si Adrienne. Binigyan siya ng dalawang kaibigan ng nagtatakang mukha.
"May date ka ba ngayon?" Tanong ni Adrienne habang nag-uumpisa na siyang paganahin ang kotse. Mabilis siyang umiling.
"I already told you. May ino-offer nga ulit na trabaho sa akin kaya kailangan kong magpa-good shot," sagot niya at nakita niya mula sa rear mirror na umiiling ang dalawa.
"Gabie, pangatlong beses na nila itong kukunin ka as their photographer. It means they have trust on you for this job," sabi ni Edziek.
"Baka naman dahil nagpapa-good shot talaga siya sa editor," si Adrienne naman ang nagsalita and they both gave her a teasing look. She just smiled, hiding her giddiness. Hindi niya kasi maamin sa dalawa kung gaano siya ka-excited makita ulit ito.
Si Yohan, ang editor ng magazine na pagtatrabahuan niya ngayon. Matagal na siyang may crush dito. Siguro nga ay masyado na siyang matanda para sa mga bagay na ganoon pero dalaga pa naman siya. Wala siyang nakikitang problema doon.
Sanay na rin ang mga kaibigan niya kapag nalalaman nilang may bago siyang crush. Pero iba na yata kay Yohan. Umaasa siya noon na sana magkita ulit sila. At mukhang narinig naman siya ng tadhana at binigyan pa siya ng trabaho.
After a short ride, she parked the car in front of the coffee shop.
"Ako nang oorder," sabi ni Edziek. Mabilis naman itong nakabalik mula sa loob dala-dala ang mga kape. Iniabot nito ang mga baso sa kanila. Nagpatugtog naman si Gabrielle ng kpop song na gusto nilang tatlo. Nagsimula silang sabayan ang kanta.
"Bwiset. Ang iingay niyo," sabi ni Adrienne na umirap pero nangingiti. Natawa na lang sila sa reaksyon ng kaibigan at lalong nilakasan ang tugtog. Music can really change their mood.
![](https://img.wattpad.com/cover/87667282-288-k277784.jpg)
BINABASA MO ANG
Let Me Be
Romanzi rosa / ChickLit(First Book of LET Series) Gabrielle Sandoval is a photographer. Photography is her way of showing her creativeness. It is her passion. Kaya hindi rin siya tumanggi agad nang muling mag-offer sa kanya ang editor ng magazine na ilang beses din niyang...