Chapter 30

178 1 44
                                    

"Malapit na tayo?" Tanong ni Gabie sa kasintahan. Umiling naman ito at ngumiti lang sa kanya. Ilang beses niya na itong tinatanong mula nang makaalis sila ni Zion. Mapungay pa rin ang mata ng dalaga dahil nakaidlip siya sa biyahe.

Kahapon ay tinulungan siya ni Zion na asikasuhin ang mga dadalhin at susuotin para sa araw ng hike nila. Kaya naman kaninang umaga ay hindi na siya nahirapan sa pag-aayos nang maagang dumating ang binata. Nakaalis agad sila.

They have their own backpacks. Nagulat pa nga si Gabie nang magkasya ang mga gamit niya doon. Pinagdala rin kasi siya ni Zion ng ilang mga damit dahil mag-s-stay sila ng tatlong araw sa Baguio. Ito rin ang tumulong sa kanyang mag-impake. Her boyfriend really knows his thing in travelling.

Dumaan muna sila sa drive-thru para bumili ng makakain at kape. Apat na oras daw ang biyahe kaya sinabihan siya nitong matulog muna. Humindi naman si Gabie dahil ayaw niyang matulog habang nagmamaneho ito. Nakakapagod pa naman ang apat na oras at hindi naman siya nagpuyat kagabi. Kaso hindi rin kinaya ng dalaga at nakaidlip. Nagising na lang siya nang maramdamang napapahaba na ang tulog niya. Papasikat na rin ang araw.

"Let me drive. You should also take a rest," Gabie said. She can tell that Zion is tired. Napatingin siya sa orasan at tatlong oras na rin pala itong nagmamaneho.

"I'm not tired, Gab. Sanay na ako sa biyehe," sabi ni Zion pero nagpumilit pa rin ang dalaga. Hindi naman pwedeng mapagod agad ito dahil aakyat pa sila ng bundok.

Sa huli ay pumayag na rin ito. Itinigil muna nito ang sasakyan at nagpalit sila. May google map naman kaya hinayaan siya ni Zion. Nagkasundo silang ang binata na ulit ang magmamaneho kapag nandoon na sila sa Burnham Park. Ito kasi ang nakakaalam kung saang hotel sila tutuloy.

Nakatulog agad si Zion. It only took her an hour and a half to drive. Ginising niya si Zion pagka-park niya ng kotse. Ito na ang nagmaneho hanggang sa malapit na hotel. Mabilis silang nakapag-check in at isang kwarto ang kinuha nila na may dalawang kama.

Because they're already wearing their hiking attires, they just checked their things before going. Iniwan na rin nila ang ibang mga gamit na hindi kailangan para hindi mabigat ang kanilang dala sa pag-akyat.

Sumakay sila pabalik sa Burnham Park. May masasakyan daw kasing public jeepney doon hanggang sa Mt. Ulap Eco-Trail, which will only took them 40 minutes. Pagkatapos ay dumiretso sila sa barangay hall para magpa-register at sa security guides. Lalong na-excite ang dalawa nang makitang madami rin ang aakyat ng bundok.

"I'm going to take some shots," Gabie said. Nakasabit sa leeg niya ang DSLR camera at kumuha na ng ilang litrato. Zion got his Canon Vixia Camcorder at pasimple na ring nag-video. Kinukuhanan din nila ng litrato ang isa't isa bago nagsimula ang kanilang hike.

Their guide said that the dayhike will be completed from four to six hours, spanning around eight kilometers. Nakahinga ng maluwag si Gabie dahil madali lang daw itong akyatin. Inisip din siguro iyon ni Zion para sa kanya.

"Why are you smiling?" Tanong sa kanya ng kasintahan na nakangiti na rin sa kanya. Hawak pa rin nito ang camcorder.

"Nothing. I'm just happy." Genuinely happy.

The guy took her hand and their hike started. Napansin niyang madami ang napapalingon sa kanila. Hindi niya rin masisi ang mga ito dahil nakakaagaw ng atensyon ang kagwapuhan ni Zion. Ilang beses din kasing napapatingin si Gabie sa binata. Nahuhuli naman nito ang mga tingin niya at biglang ngingiti. Her heart goes erratic.

The trail goes up a ridgeline. It is immediately surrounded by pines and soon they can see the scenic views of mountains, the Baguio City and mist-covered Central Cordilleras.

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon