Gabrielle can't sleep. This time, because of too much happiness. Noong mga nakaraang araw ay madami siyang iniisip at ngayon ay nasagot na ang lahat sa kanya. Parang ibinagsak na lang bigla ang saya sa kanyang harapan.
Totoo nga ang sinabi ng binata na ilalabas siya nito kanina. Pagkatapos nilang bumili ng libro na gusto ni Zion, tinanong siya nito kung saan niya gustong pumunta. Mabilis naman na sinagot iyon ni Gabie at dumiretso sa isang store with anime collections. Nalaman niyang mahilig din pala ito sa anime kaya bumili din ito ng manga katulad niya.
Then they entered in a kpop merchandise, naging mareklamo na ang binata. Napakadami kasing binili ni Gabrielle kaya nakarami din siya ng sermon dito. Paulit-ulit pa nitong nilalait ang mga Korean crushes niya hanggang sa paglabas ng tindahan.
Gabie enjoyed their date--if she can count that as one. Tuwang-tuwa din siya ng ipagtanggol ni Zion ang sarili niya sa mga koreanong crush ng dalaga. He seems to be proud about his looks. Pero kung si Gabie din naman ang tatanungin, gwapo talaga si Zion. Parang si Ji Chang Wook kapag seryoso. Kaya madami ang napapatingin dito habang naglalakad sila sa mall. Masaya naman siyang hindi sila pinapansin ng binata. Hindi rin nito tinatapunan ng tingin.
Kumain din sila ng lunch sa isang Japanese restaurant bago nagpatuloy sa pag-iikot. Hindi na bago sa kanyang malakas din kumain ang kasama. Kaya hindi rin siya nawalan ng ganang kumain ng marami. Zion doesn't seem to mind his weight, considering the fact that he's a model. Kaya takang-taka si Gabie kung paano ito nagkaroon ng ganoong katawan.
Because of their game, she'd asked him enough questions. Marami siyang nalaman sa binata. Tatlo silang magkakapatid and he's in the middle. His ate Zela and Zero. Zion's dad is half Korean and half Filipino but he chose to live here in the country. He has a business company in Batangas and that's where he met Zion's mom. She is one of his employees. Doon daw nagsimula ang kwento ng dalawa.
Tinanong din niya ang tungkol sa trabaho ni Zion. According to him, he is not part of the band when they were starting. Pumalit lang daw siya sa isang miyembro dito na kaibigan din niya. Noon pa man, hilig na ni Zion ang tumugtog ng mga instrumento. Besides of playing the drums and guitar, he can also play the keys of piano. Kaya hindi siya tumanggi na sumali sa banda.
Sa pagiging modelo naman ni Zion, hindi daw ito kasama sa kanyang plano. He wanted to be a travel blogger and it explains the reason why he always bring his camera. One of his viewers discovered him. Inalok daw siya nitong subukan ang pagmomodelo. He gave it a try at hindi naman niya inaasahan na magugustuhan niya din ito.
Napunta rin sa dalaga ang usapan. She also shared her story when Zion asked. Both of her parents are retired so her three elder brothers helped Gabrielle in her studies before. Her dad wanted her to be a lawyer while her mom persuaded her to be a doctor. But none of these is what she wants. Photography is her passion. Kaya ipinaglaban niya ito sa kanyang mga magulang noon. Mabuti na lang at sinuportahan siya ng kanyang mga kapatid kaya napilit na din ang mga ito. Hindi nagsisisi si Gabie sa naging desisyon.
But she can't help to remember Cass. May parte pa rin sa kanya ang nakokonsensya. She can't be happy kung ito ay nasasaktan. Ganito siguro ang nararamdan ni Zion.
Kanina pa siya nakahiga pero hindi pa rin magawang pumikit ng kanyang mga mata. Bigla namang pumasok sa kanyang isipan ang mga hindi niya natanong sa lalaki. Hindi yata sapat ang buong araw para matapos niya ito.
Suddenly, her phone starts to ring. Napangiti siya ng makita ang pangalan ni Zion sa screen. Kung noon ay napapabusangot siya sa biglaan nitong pagtawag, nae-excite naman siya ngayon. Sinagot niya ito agad at napaayos ng pagkakaupo sa kama.
BINABASA MO ANG
Let Me Be
ChickLit(First Book of LET Series) Gabrielle Sandoval is a photographer. Photography is her way of showing her creativeness. It is her passion. Kaya hindi rin siya tumanggi agad nang muling mag-offer sa kanya ang editor ng magazine na ilang beses din niyang...