Gabrielle stared at her laptop. A boy and a girl was looking at each other with a wide smile on their faces. Kaakbay ng lalaki ang babae habang ginugulo ang buhok nito. They look so happy with their own bubble on that picture.
It was Zion and Cass.
She just realized it now. Kaya pala pamilyar sa kanya ang babae dahil ito ang nasa litrato sa memory card ni Zion... Which she secretly copied on her laptop before.
It's been a week mula ng huli silang magkita-kita. Nagpatulong si Lea na pumili ng wedding dress. Excited sana siya noong araw na iyon pero hindi niya alam kung bakit napapasimangot siya sa tuwing makikita sila Zion at Cass. Halatang sobrang close ng dalawa.
Kung mag-usap ang mga ito ay parang hindi nagkita ng matagal. That was partly true. Galing kasi sa South Korea ang babae mula sa mahabang bakasyon. Pero hindi talaga kumportable si Gabrielle. Buong araw silang magkadikit sa isa't isa at hindi mapaghiwalay!
Alam naman niyang may dahilan ang mga ito. According to Zela, Cass is Zion's childhood best friend. Mula pagkabata, sobrang lapit na ng dalawa. And because of that, Gabie felt that weird feeling again.
Madalas niyang maramdaman ito kapag nalaman ng dalaga na may rumored girlfriend ang mga Korean crushes niya. O kaya kapag may lumalandi sa mga kpop idols na kanyang kinababaliwan. Ganoong pakiramdam... Tulad ngayon.
"Hey Gabie!" Adrienne called her. Nakasilip ito mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Day-off ng kaibigan niya kaya ito ang kasama niya ngayon sa bahay. "What are you doing? Nakatunganga ka na naman"
Pero hindi siya tumayo at nanatili sa pagkakahiga. "Rienne, this is what you called procrastination"
"Tss. Why don't you clean the house first? May nagawa ka pang matino," Gabrielle just grunted. Tinatamad talaga siyang kumilos ngayon. Hindi pa pala niya nalalabhan ang mga damit niya. Nang maalala kung gaano karami ang lalabhan, napagdedisyunan niyang ipagbukas na lang ito.
Narinig niyang napabuntong-hininga ang kaibigan bago pumasok sa kanyang kwarto. Lumapit ito at iniabot ang isang pumpon ng bulaklak.
"It's from Yohan. Iniwan na naman sa tapat ng bahay," sabi nito bago niya tinanggap.
Pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi man lang siya natuwa. Yes, she was relieved that Yohan never missed a day to gave her presents. Minsan pa nga ay niyayaya siya nito para mag-date. But she can't keep her mind in peace kung alam niyang laging nakadikit si Cass kay Zion.
Did I just really thought of that?! Seriously?! Then she mentally cursed.
Kumunot ang noo ng kaibigan niya dahil sa kanyang reaksyon. Nagtanong ito kung bakit hindi man lang siya natuwa sa ibinigay ni Yohan. Pero hindi siya nagsalita. Inilagay niya ito sa kanyang lamesa, humiga at muling tumitig sa kanyang laptop. Umalis din agad si Adrienne nang maalalang hindi pa ito tapos sa binabasang libro.
Binuksan ulit ni Gabrielle ang folder na may picture nila Zion. Muli siyang napatingin sa litrato. Napakaganda ni Cass.
Insecurities. Isa sa pinakaayaw niyang maramdaman.
Parang magkapatid ang dalawa sa pagkukulitan pero hindi niya maitangging may kakaiba sa kanilang tinginan. And then, she thought... Bagay nga sila.
Nagseselos ba siya? Pero bakit? Naisip niya kung posibleng nagkakagusto na siya dito. Pero si Yohan ang gusto niya, 'di ba?
Ang gulo!
Because of frustration, she closed her laptop. Naglaro muna siya sa kanyang phone ng games bago naligo. At pati doon ay hindi na maalis sa isip niya ang babae.
BINABASA MO ANG
Let Me Be
ChickLit(First Book of LET Series) Gabrielle Sandoval is a photographer. Photography is her way of showing her creativeness. It is her passion. Kaya hindi rin siya tumanggi agad nang muling mag-offer sa kanya ang editor ng magazine na ilang beses din niyang...