CHAPTER 2

408 24 11
                                    

f r i e n d s h i p  o v e r ?

[MINA POV]

"I-seen mo lang Jungkook, kahit isang beses wag mong baliwalain tong message ko." 

Sambit ko at matyagang nag aabang sa harap ng laptop ko. Kaka-send ko palang kasi ng message kay Jungkook at umaasa akong hindi nya ako i-inboxzoned.

"Jungkook naman, wag mo sabihin on game ka. Basahin mo na!" bulong ko.

At dahil hindi ako marunong maghintay  ay humiga muna ako sa kama saka nagmuni muni.

Iniisip ko ngayon kung bakit bigla nalang naging ganun sakin si Jungkook, wala naman akong ginagawang masama sa kanya, katunayan nga nung isang araw bago sya maging cold sakin naglalaro pa kami sa xbox nun tapos kinabukasan ayan ganyan na sya, kala mo may regla kung mag init ang ulo nya.

Tsaka ang mahirap pa dun, ayaw nyang sabihin kung ano problema nya, ayaw naman mag kwento, malay ko ba kung ang problema nya pala ay pera eh andami dami nyang pera, kung tungkol naman sa pamilya nya, akala ko ba naka move on na sya sa pang iiwan ng tatay nya sa kanila, at kung usapang pag ibig naman, wala naman syang nakwe-kwento na nagugustuhan nya o nililigawan nya. So anong problema nya?

Kakaisip ko, bumangon na ako at bumalik sa harap ng laptop ko para tignan kung na-seen na ba nya yung message ko.

Mina:  Hoy Jungkook, anyare sayo? Bakit ganyan ka? Anong problema mo, mag kwento ka makikinig ako at tutulungan pa kita. Sabi ni Kuya sakin bukambibig mo daw si Lisa kanina, gusto mo ba sya, ilalakad kita sa kanya. Hahaha. Bukas pag di mo ko pinansin sasapakin kita ha? Mag reply ka please.

Yan yung sinend ko at ngayon na seen na nya. Naghihintay ako ng typing sa screen ko pero lumipas na ang isang minuto wala parin. Baka nga sineen lang talaga nya ako.

[LISA POV]

"Salamat sa pagkain, una na ako sa kwarto Ma" pagpapaalam ko.

Pagtapos na pagtapos ko palang kumain agad na akong umakyat sa kwarto para makapag online. Baka kasi online si Jimin.

"Baka may bagong tweet si Jimin" sambit ko sabay log in sa twitter.

At bungad na bungad pa sa newsfeed ko ang mga post nya. Jusko po.

"Kapagod kanina"

"Kulit nila Taehyung sarap sipain haha😂"

"Parang mga timang naghilaan pa kami ng bag sa gitna hahahahah"

Bakit kaya sila naghilaan ng bag sa gitna? Samin kasi kapag sinabing gitna, yung field ang ibig sabihin nun.

Baka inaasar nila si Jimin kasi binigyan ko sya ng chocolate kanina. Yes, successful ang unang araw ng pag paparamdam.

Next kong gagawin ay i-floodlikes si Jimin. Kaya ayun punta sa timeline nya at bungad na bungad ang dp nya na wallpaper ko naman ngayon dito sa cellphone ko.

Hala sige floodlikes, grabe tong ginagawa ko. Napaka fangirling ko naman right now like deym gurl.

Sunod naman akong pumunta sa messenger para ichat sya.

Love Square 💖 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon