t h e r e a s o n
[MINA POV]
Talagang ini-inis ako nito ni Jungkook ah. Pinanindigan nya talaga yung sinabi nyang dapat sila ni Lisa ang mag partner, panira naman sya kay Jimin at Lisa eh.
Kaya naman kinakausap ko ngayon si Lisa dito sa canteen.
"Lisa, pasensya kana, alam mo naman kung gaano katigas ang ulo nyan ni Jungkook, di na yan nakikinig sakin lalo na at di kami okay ngayon" paghingi ko ng paumanhin kay Lisa na umiinom ng lemon juice.
"Okay lang, si Jungkook naman partner ko eh. Alam mo namang parang kapatid ko na yun, ikaw nalang bahala kay Jimin, wag mo nalang tatapakan ang paa nya baka kasi lalo syang pumandak" biro nya at uminom ulit ng lemon juice.
"Ikaw talaga, hindi naman pandak si Jimin, mas mukha kalang talaga matangkad" natatawa kong sabi saka pinatong ang siko ko sa lamesa habang nag ce-cellphone.
Pumunta ako sa twitter at bungad na bungad ang post ni Jimin.
"Finally, partner ko na sya. Salamat sa matalik na kaibigan"
Napatingin naman ako kay Lisa na ang inosente ng mukha habang nakatingin sakin.
Lalo akong nakokonsensya, di ko alam kung bakit ako ang nakokonsensya, lalo pa't alam kong gusto ako ni Jimin tapos pinupush ko silang dalawa ni Lisa dahil yun ang gusto ni Lisa.
Pero si Jungkook pinupush nya sarili nya kay Lisa. Di ko alam kung ano ng nangyayari, kailangan kong mag focus , dahil isang maling desisyon ko lang pwedeng masaktan ang isa sa kanila o masaktan ko ang sarili ko.
"Andito lang pala kayo!"
Kabute ba to si Jimin at bigla bigla nalang sumusulpot! Nakakagulat eh.
"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo nanaman ako" sambit ni Lisa kay Jimin.
"Asa" sagot ni Jimin. Dadamdamin yan ni Lisa mamaya, hintayin nyo lang.
Naglabas naman si Jimin ng 3 lunch box at nilapag iyon sa mesa namin. "Para sayo nga pala, Mina. Ako at si Jungkook ang nagluto nyan" sambit nya habang binubuksan ang mga lunch box.
Pagtingin ko sa likod ni Lisa ay nakikita ko si Jungkook na palapit na dito.
"Kain ka na, masarap yan" nakangiting sambit sakin ni Jimin. Tumingin naman ako kay Lisa na di mo mabasa kung ano ang nararamdaman nya ngayon.
JIMIN TANGA TANGA MO! DAPAT SI LISA BINIBIGYAN MO NG GANYAN HINDI AKO! Jiminie pa-bo!
"Lisa tikman mo masarap" sabi ko at sinubuan sya, kinain nya naman ang binigay ko pero tahimik lang sya at wala rin ekspresyon ang mukha.
"Lisa para nga pala sayo" sambit ni Jungkook ng makalapit sya samin at nilapag ang apat namang lunch box sa harap ni Lisa. "Ako nag luto nyan" sabi pa nya.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, si Jungkook na nakangiti at abala sa pagbubukas ng lunch box na binigay nya kay Lisa, at si Lisa na nakangiti rin kay Jungkook.
![](https://img.wattpad.com/cover/92204582-288-k168322.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Square 💖 [COMPLETED]
Fanfiction"Ano nga bang mangyayari kung malagay ka sa sitwasyon ng Love Square? Kakayanin mo kaya o susuko ka agad? Kung ako ang tatanungin, syempre hindi. Ipaglalaban ko kung ano ang dapat sakin."-- Mina