Chapter 7

288 15 5
                                    

s u p e r  c o m p l i c a t e d

[JIMIN POV]

Binuksan ko ang laptop ko at agad nag log in para ma-chat ko si Jungkook.
Sakto na nag message din sya.

Jungkook: Pre, salamat pala kahapon. Tsaka pasensya narin nung isang araw kung mainit ulo ko nag kasakitan pa tayo.

Agad naman akong nag reply sa kanya.

Jimin: Wala yun, ang importante suportahan mo ko kay Mina, at susuportahan kita kay Lisa.

Sunod ko namang chinat si Mina. Online sya, yes.

Jimin: Hello.

Naghintay ako ng ilang minuto at sa wakas lumabas ang typing sa screen ko.

Mina: Bakit?

Jimin: Nagustuhan mo ba yung niluto ko kanina.

Mina: Oo, pero binigay ko yun kay Lisa.

Jimin: Ha? Bakit naman? Sayo yun eh, tsaka binigyan naman sya ni Jungkook, apat pa nga yung kanya eh.

Mina: Bukas nalang tayo mag usap, may gagawin pa ako

Jimin: Ahh sige. Goodnight.

Bakit naman nya binigay kay Lisa? Para sa kanya yun eh. Nubayan parang sayang lang pero sabagay si Jungkook naman nagluto ng iba dun eh.

Sabi nya bukas nalang daw kami mag usap? Ano namang sasabibin nya?

Siguro oras narin para sabihin ko kay Mina kung ano ang dapat kong sabihin.

[MINA POV]

Pag gising ko palang chinat ko na si Lisa na mamayang Math time niya ako I-excuse. Dahil ito na ang araw na dapat malaman ni Jimin na gusto sya ni Lisa. Bago pa sabihin ni Jimin na liligawan nya ako.

Kailangan ko silang malagay sa tamang sitwasyon bago pa mahuli ang lahat. Alam kong hindi ko kontrolado ang nararamdaman nila at hindi ako Diyos para pigilan ang nararamdaman nila, pero dapat umayon ang lahat sa dapat na mangyari.

"Hoy bilisan mo nga dyan, ang tagal tagal!"sigaw ni Kuya sa labas.

Andito kasi ako ngayon sa banyo, imbis na naliligo na ako, china-chat ko pa si Lisa.

"Oo saglit lang!" sigaw ko rin pabalik at sinend na ang huling message kay Lisa.

- M a t h   t i m e -

Hinihitay ko ngayon si Lisa na i-excuse ako. Antagal nya, naiirita na ako sa new lesson namin na naka lagay ngayon sa blackboard. Sakit sa mata yung mga numbers eh.

Patago kong kinuha ang cellphone ko at chinat si Lisa, antagal lang ma send, bakit antagal ng proseso sa pagpapabilis ng data connection sa pinas. Bakit dito ako pinanganak 😭

Napatingin nalang ako ng may kumatok sa pinto. Sana si Lisa na yan. Tumigil ang aming guro sa pagtuturo saka binuksan ang pinto at si Lisa nga ang nakatayo dun ngayon.

Love Square 💖 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon