Chapter 5

331 20 15
                                    

s w i t c h

[LISA POV]

Alam mo Park Jimin, wag mo kong aaktuhan ng ganto kung di mo naman kayang panindigan. Alam ko may iba kang gusto kaya wag mo naman akong paasahin sa mga kilos mo.

Masakit umasa, palibhasa walang nang gaganon sayo kaya di mo alam ang feeling. Napaka fuckboi mo kasi eh anliit liit mo naman.

Oo inaamin ko, medyo nainis ako sa kanya nung sinabi nyang na wrong send sya, syempre tumindig talaga balahibo ko nun at umasa talaga ako tapos biglang wrong send.

Di lang yon, madami pang naglalaro sa isip ko ngayon. Paano nga kung para sakin talaga yun? Aasa ba ako? Ano bang aasahan ko kay Jimin? Kahit kailan kaibigan lang nya ako.

"Bakit bigla ka nalang umalis kanina?" tanong nya habang sumasayaw kami.

"Wala" agad kong sagot.

Nagsalubong naman ang kilay nya at hinihintay na magsabi ako ng dahilan.

"Naiihi kasi ako" sabi ko para manahimik na yang kilay nya na magkasalubong kawawa naman Kilay is life kasi.

"Naiihi? Kaya pala patalikod ka maglakad?" pang aasar nya kaya naman tinapakan ko ang paa nya "Aray!" inda nya.

"Ano naman? Gusto ko eh, wag ka ng umapila" sambit ko ng biglang pumito si Maam.

"Okay class, balik na sa classroom" sabi nya.

Nubayan, gusto ko pang hawakan kamay ni Jimin eh, mamaya nga di ako maghuhugas ng kamay. Hahaha napaka ano eh.

Sabay kaming naglakad ni Jimin hanggang sa makabalik kami sa classroom.

Try ko kayang itanong yung tungkol sa sinend nya sakin kagabi? Para malaman ko kung para kanino ba talaga yun.

"Hoy Jimin, ikaw ah landi landi mo, sino yung mahal na mahal mo kagabi ha?" tanong ko na akala mo di ako nasasaktan sa tinanong ko. Ikakamatay ko ba kapag nalaman ko kung sino yung babaeng yun, dalawa lang naman kasi ikakamatay ko eh, una yung reason na ibang babae pala sinabihan nya nun, pangalawa ikakamatay ko ang kilig pag ako nga yung babaeng yun.

"Yun ba? Hehe secret" sabi lang nya.

Napasampal nalang ako sa sarili ko na agad kinagulat ni Jimin. "Bakit mo sinampal sarili mo?" tanong nya at napapatawa pa. "Wala, natatawa lang ako sa FACT na hanggang dyan nalang height mo" alam ko walang konek yun sa pagsampal ko sa pisngi ko kaya nauna nalang ako naglakad. Masyadong maliit ang biyas ni Jimin para makipag sabayan sakin sa paglalakad. Duh I have the best leg shape~ (Suga: Oh really?)

Bakit di ko maiwasang sungitan si Jimin? Siguro kasi kinakabahan lang talaga ako kaya ganto ako sa kanya, plus yung dahilan na may iba syang gusto.

Ewan, mababaliw ako kakaisip sa kanya. Permanente na tong pagiging baliw ko.

[MINA POV]

Di lang kami nag papansinan ni Jungkook, ayokong kausapin sya dahil lalo akong mauurat lalo na kapag naalala ko yung kaartehan nya kanina sa court.

"Ms. Bernal and Mr. Mendoza, we need to talk" biglang sulpot ni Maam Franie sa may pinto.

"Bakit po Maam?" tanong ko.

Pero di lang ako sinagot ni Maam at si Jungkook walang ganang tumayo at sumunod kay Maam kaya naman sumunod narin ako. Hanggang sa makarating kami sa faculty room.

"Maupo kayo" saka nya inalok ang dalawang upuan sa harap ng table nya.

"Ano bang nangyari sa inyo kanina? Di nyo ba alam na malaking distruction ang ginawa nyo kanina?" sambit nya kaya napa tingin ako kay Jungkook na parang walang pake sa sinasabi ni Maam.

"Sorry po Maam kung ganun inakto namin kanina--"

"Gusto ko mag palit ng partner" sabat ni Jungkook kaya di ko natuloy ang sinasabi ko.

Ano? Gusto nya mag palit ng partner? Bakit? Lugi ka pa sakin? Aba naman.

"Who?" tanong ni Maam.

"I want Lisa Manoban" sambit ni Jungkook na agad kinasikip ng dibdib ko na hindi naman dapat.

Si Lisa? Gusto nyang maging partner?

"But, she's now partnered by Jimin" sagot ni Maam.

Hala partner na pala sila ni Jimin, naku pangarap nya yun kaya di dapat masira ng dahil dito sa request ni Jungkook.

"Then let me and Jimin switch our partners."

"Pero Jungkook, ibang section sila" sabat ko kaya tumingin sya sakin.

"Gaganapin naman ang final performance ng sabay sabay ang lahat ng section eh, so why not, what do you think Maam?" pangungumbinsi nya.

Jungkook ano bang gusto mo?
Wag ka ng epal sa kanilang dalawa, panira ka ng moment eh.

"Maam di pwede ang gusto--"

"Bakit, gusto mo rin naman diba?" ayan nanaman sya sa pagputol sa mga salita ko. Atsaka anong gusto ko rin? Ang alin?

"Ang alin Jungkook?" tanong ko.

"Ayaw mo nun, partner kayo ni Jimin, tutal bagay naman kayo, diba kaya mo nga sya binigyan ng chocolate?" sabi nya.

Hala, saan nya naman nakuha yang kwento na yan? Anong chocolate? Si Lisa lang naman nagbigay kay Jimin ng chocolate ah.

"Ano bang pinagsasabi mo Jungkook? Hindi ko binigyan ng chocolate si Jimin at never kong ginawa yun, kaya kung saan mo man yan nalaman, nagkakamali ka"

Biglang lumaki butas ng ilong nya, ibigsabihin nyan na realise nyang MALI SYA kaya tumayo sya at nauna ng nagpaalam kay Maam.

Sa sobrang curiosity kong malaman kung kanino nya nalaman yung sinabi nya ay nagpaalam narin ako kay Maam na halatang nagugulha na samin ni Jungkook.

Binilisan ko ang paglalakad ko para maabutan si Jungkook.

May hinala kasi ako. Pero mamaya ko na sasabihin sainyo kung ano yun dahil kailangan ko munang mahabol si Jungkook ngayon.

"Jungkook!" tawag ko ng makita ko syang paakyat na ng hagdan.

"Jungkook saglit lang!" sabi ko at pinilit na abutan sya.

Tumigil sya at tumingin sakin. "Ano?"

"Sino nagsabi sayo na binigyan ko ng chocolate si Jimin?" tanong ko.

"Kailangan mo pa bang malaman kung sino?" saka nya ako tinalikuran pero hinarap ko ulit sya "Jungkook ano ba, sagutin mo nga muna yung tanong ko bago ka umalis" pakiusap ko.

"Pwede ba Mina, wala ako sa mood sagutin yang tanong mo"

"Wala sa mood o ayaw mo lang talaga sabihin kung sino?"

"Tigilan mo na nga ako" sabi niya at tuluyan na nga akong iniwan.

Kung ayaw nyang sabihin kung sino ako nalang ang hahanap ng sagot. Pisti, parang yun lang tinanong ko wala na sa mood. Halatang ano eh. Kainis.

"Hi Mina" napatalo  naman ako sa gulat ng may tumawag sa pangalan ko.

"Jimin?"

"Nakasalubong ko si Maam Franie kanina, sabi nya ikaw na daw partner ko" sambit nya at kulang nalang mawala na yung mata nya sa sobrang singkit.

"Ano?" di makapaniwala kong sabi.

"Oo, diba masaya yun" sabi nya.

NO!

HINDI MAAARI!

SI LISA! PANO NA SYA!







t o  b e  c o n t i n u e d . . .

Love Square 💖 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon