Chapter 10

352 17 4
                                    

s i l v e r  g r a y

[JIMIN POV]

Bubuhatin ko na dapat si Mina ng biglang hawakan ni Jungkook ang balikat ko kaya naman tumingin ako sa kanya.

"Si Lisa" sambit nya habang nakaturo kay Lisa.

Pagtingin ko, si Lisa na nakatingin lang samin habang nagbabadya ng bumagsak umaapoy na chandelier sa kanya.

Hindi pwede.

Lisa

Kaya naman agad kong binitawan si Mina at tumakbo papunta kay Lisa para sagipin ito.

Saktong paglapit ko sa kanya ay nahimatay sya kaya agad ko syang sinalo at binuhat saka umalis sa natutupok na gymnasium.

"Lisa wag kang mamamatay" nag aalala kong sabi.

Wala namang nangyari sa kanya, hindi naman sya natuluyang bagsakan ng chandelier, wala naman syang galos, pero alalang alala ako sa kanya.

"O-okay lang ako" namulat ang mata nya at nakuha pang ngumiti sakin.

"Ano ng pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" tanong ko habang buhat buhat sya papunta sa clinic.

"Wag kang mag alala, malapit na tayo sa clinic" sabi ko at mas binilisan ang paglalakad.

"Ayos lang ako" sabi nya saka umubo.

Okay lang kahit maubuhan nya ang mukha ko, ang importante maidala ko na sya sa clinic.

---------

Pagpasok namin sa clinic ay marami ng pasyente. Pashneya

"NURSE!!!" sigaw ko sa nurse kaya nilingon nya kami.

"Pasensya na, wala ng bakanteng pwesto" sabi nya.

"ANONG WALA!? KITA MONG NAG HIHINGALO NA TONG KASAMA KO! NAGBABAYAD KAMI SA ESKWELAHAN NATO TAPOS DI NYO KAMI TUTULUNGAN!" sigaw ko sakanya.

[LISA POV]

Kahit nanghihina na ako dahil sa dami ng nalanghap kong usok, rinig na rinig ko parin ang boses ni Jimin na sinisigawan yung nurse.

Gusto ko sanang tumawa dahil, mas malala pa natamo ng mga estudyanteng nakahiga sa hospital bed kesa sakin.

"Jimin kalma lang" sabi ko sa kanya.

"BILISAN NYO! PAG ITO NALAGUTAN NG HININGA LAGOT KAYO SAKIN! UUBUSIN KO LAHI NYO!" Sigaw nya pa, bakit ayaw tumigil neto kakangawa?

"Sir, huminahon lang po kayo, may bayad po kasi yung sa VIP room namin, for visitors lang po kasi yun" sabi ng nurse

"WALA AKONG PAKE, DALHIN MO NA KAMI DUN NGAYON DIN"

"Sir, may bayad nga po kasi yun"

"GUSTO MO ISAMPAL KO SAINYO YUNG BLACK CARD KO!?" pagkasabi nya nun dinala na kami ng babae sa VIP room.

Love Square 💖 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon