Chapter 8

319 19 5
                                    

t h e  r e a l  p a r t n e r

[LISA POV]

Ayoko sanang maramdaman ang bagay na to pero, bakit pakiramdam ko kaagaw ko si Mina kay Jimin.

Nang dahil sa nararamdaman ko ngayon, nagawang kong hindi intindihin si Mina sa mga paliwanag nya kanina, nawalan ako ng pake sa pagiging magkaibigan namin. Hindi ko na alam, gusto kong kontrolin ang masamang nararamdaman ko pero hindi ko magawa.

Ayoko rin namang masaktan si Mina pero mas iniintindi ko tong nararamdaman ko, at dahil ayoko ng mga nangyayari hindi ko ugali ang maging mabait lalo na't hindi nya sinabi sakin agad na sya pala ang gusto ni Jimin, na alam nya palang gusto sya ni Jimin, at hinayaan nya pa akong umiyak.

Ewan, kung ano ang nararamdaman ko ngayon yun na yun. Hindi ko kayang magpanggap na okay lang ako. Alam kong napaka childish ng ugali ko, pero wala eh, yun ako.

"Papa, pakilagyan din po ito ng sabaw" sabi ko kay Papa.

Nasa harap ako ng hapagkainan pero gusto kong magwala. Hindi ko alam, basta.

"Anong problema anak?" tanong ni Papa sabay lapag ng mangkok na may sabaw sa harapan ko.

"Wala po" sagot ko at ngumiti.

"Nga pala anak, musta ang school? Okay lang ba?" tanong nya.

"Opo, bali may sayaw kami sa school kaya kailangan ko talagang kumain ng madami, mabuti nalang at may Papa akong magaling magluto" nakangiti kong sambit.

Totoo, masarap mag luto si Papa. Madaming akong nakakain pero bakit ang payat ko parin. Pero minsan lang nya ako malutuan kasi lagi syang nasa trabaho, si Mama naman nasa ibang bansa.

Sabihin na natin na mayaman ako, marami kaming katulong na magaling din magluto, pero para sakin, si Papa ang the best magluto sa lahat. Di ko nga alam kung bakit hindi nagtayo ng restaurant si Papa.

"Papa, bukas pwede lutuan mo ko ng baon, dalawang lunch box ang ihanda nyo kasi dadalhan ko si Jungkook yung kaibigan ko, dinalhan nya kasi ako ng pagkain kanina--"

Natigil ako sa pagsasalita ng mabitawan ni Papa ang kubyertos nya.

"Papa, bakit po?" nag aalala kong tanong.

Nakatulala lang sya at parang maluha luha. Anong nangyayari kay Papa? May sakit ba sya o may mali ba akong nasabi?

"Wala to anak. Sige ipagpatuloy mo na ang pagkain mo" sabi nya.

Hinawakan ko muli ang kubyertos ko ng hindi umaalis ang tingin kay Papa.

Anong meron?

May sinabi ba akong mali kaya naging ganun ang ekspresyon nya?

Baka kilala nya si Jungkook?

---------

Kinabukasan pag gising ko agad akong bumaba dahil naaamoy ko na ang niluluto ni Papa

Pero pag baba ko wala namamg nagluluto, baka naiwan lang yung amoy.

Nakita ko ang dalawang lunch box sa mesa at may kasama pang letter.

Love Square 💖 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon