it hurts
[JUNGKOOK POV]
Bitbit ko lang si Lisa hanggang sa makarating na kami sa bahay niya.
"Hala si Maam Lisa, lasing na lasing" sabi ng mga katulong at agad kaming pinapasok sa loob.
Nilapag ko sya sa sofa at mahimbing na syang nakatulog dun.
"Sir, nako, yung anak nyo po nag lasing ng sobra" sabi ng katulong.
"Ikaw ba yung kaibigan ni Lisa?" tanong sakin ng Daddy ni Lisa kaya naman nilingon ko sya.
"Opo"
"Anak?" sambit nya sakin.
Hindi ko na kailangan pang magulat dahil sa nagkita ulit kami, makalipas ang ilang taon.
"Ako nga" sabi ko.
Simula nung dinalhan ako ni Lisa ng pagkain, yung lutong yun, alam kong sya ang nagluto.
Alam nya yung mga paborito kong pagkain. Kaya dahil dun gumawa ako ng paraan para malaman ang lahat.
Yung araw na di ako sumipot sa sayaw namin ni Lisa. Yun yung araw na pumunta ako sa bahay nila Lisa para malaman ang totoo.
Nakita ko sya, ang tatay ko sa gate, agad akong tumalikod nun para di nya ako makita. Saka ako umalis.
"Anak, patawad kung iniwan ko kayo" sabi ni Papa.
"Patawad? Andali naman para sa inyo na sabihing patawad, baka nakakalimutan nyo, hindi na ako yung batang iniwan nyo noon na kaya nyo lang sabihan ng ganto" sabi ko.
"Anak, alam kong napakasama kong ama dahil mas pinili ko ang ambisyon ko kesa sainyo ng Mama mo, patawad anak, malaki ang pagkukulang ko sainyo" at pilit nya akong hinahawakan pero umiiwas ako.
"Pasenya na po, kailangan ko na rin umuwi" sabi ko saka umalis.
Habang naglalakad, di ko mapigilan ang sarili ko na pumatak ang luha
Matapos ang ilang taon. Nakita ko ang tatay ko. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman.
Galit, tuwa. Hindi ko na alam.
Nang papasok na ako sa subdivision namin, sakto na nakita ko si Aries.
at pasan nya sa likod nya si Mina na lasing.
Agad ako lumapit sa kanila. "Asaan si Hoseok?" tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Square 💖 [COMPLETED]
Fanfiction"Ano nga bang mangyayari kung malagay ka sa sitwasyon ng Love Square? Kakayanin mo kaya o susuko ka agad? Kung ako ang tatanungin, syempre hindi. Ipaglalaban ko kung ano ang dapat sakin."-- Mina
![Love Square 💖 [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/92204582-64-k168322.jpg)