S O R R Y F O R L I S A
[LISA POV]
Unti unti nyang tinanggal ang karton at hindi nga ako nagkamali sa hula ko, sya nga.
"Sorry Lisa" sambit ni Jimin.
Tumibok nalang ng mabilis ang puso ko at wala na akong ibang nagawa kundi ang maluha.
"Im sorry kung pinaghintay kita ng sobrang tagal" sabi nya.
Jimin, ibig sabihin noon pa man mahal na talaga kita? Noon pa man kausap na kita, kakwentuhan sa lahat ng bagay, mula umaga hanggang gabing pag chachat. Jimin di ako makapaniwala.
"Sorry kung di ko agad sinabi na ako yung ka chat mo" sabi nya. Wala syang ibang sinabi kundi sorry. Ako naman wala na akomg ibang masabi dahil wala akong ibang masabi.
"Nung una trip trip lang yung pag chat ko, at walang ibang intensyon, dahil gusto ko lang masubukan yung pakiramdam na nasa 'Dating website' hanggang sa mahanap ko yung account mo na hindi ko naman alam na ikaw pala yun, saka ko lang nalaman nung nag kwento ka na ng tungkol sa sarili mo, yung bahay mo at school mo pati yung mga pangalan nila Namjoon hyung nabanggit mo na, hanggang sa dumating yung araw na sinabi mong nagugustuhan mo na ako at nagugustuhan narin kita, napag desisyunan nating magkita dun sa restaurant, ang totoo nyan sumipot ako, andun ako sa loob ng restaurant, nakatingin sayo mula sa malayo, di ko makayanan yung kaba ko nun at wala pa akong lakas ng loob kaya naman iniwan kitang naghihintay dun, pero biglang umulan nung araw na yun, alam kong napaka walang puso ko dahil kahit umulan na nun naiisip ko paring iwan ka na ng tuluyan, pero di ko rin nakayanan ng makita kitang lumabas na balisa at susulong sa ulan, di ko na napigilan sarili ko nun at hinila kita saka pinasilong sa payong ko, sabi ko sayo nun sumakay kana sa likod ko, kung hindi ka importante papayungan lang kita pero dahil ikaw yung babaeng gusto ko, dapat di ka mabasa. Matapos ng araw na yun chinat mo ko sa dating website kung bakit di ako sumipot pero pilit kong ginawang bato ang puso ko at di ka na nireplyan, sorry Lisa kung ginawa ko yun. Nagkaroon ako ng maraming babae pagtapos nun, inenjoy ko sarili ko sa mga pekeng relasyon, pero sino bang magiging masaya sa pekeng pagmamahal? Yung kahit sinong makasama kong babae, kahit sya na yung pinaka maganda sa lahat, wala parin akong ibamg maisip kundi IKAW, pinilit kong kalimutan ka dahil ayokong mahulog sayo dahil kaibigan kita at pag nalaman mong ako yung nagpahintay sayo baka magalit ka lang sakin, hanggang sa umabot na sa puntong si Mina na ang nagamit ko, nadamay ko pa sya sa mga kaululan ko, nasira ko pa sila ni Jungkook at di lang yun MAS NASAKTAN KITA. Lisa sana mapatawad mo pa ako, kahit andami kong atraso sayo, at yung tungkol kay Aries, selos na selos na kasi ako, pero wala naman akong karapatan, nakipagsuntukan ako nun sa kanya dahil sa upuan mo kasi gusto ko katabi kita tas pilit nyang kinukuha yung upuan mo at nilalagay sa gilid nya, kaya nung di ko na sya matancha, bigla ko nalang sinapak, sorry pala kung ganon nangyari, at nung isang araw yung ex ko pinipilit nya akong makipagbalikan pero sabi ko hindi pwede dahil LISA MAHAL NA MAHAL KITA AT SIGURADONG SIGURADO NA AKO SA NARARAMDAMAN KO SAYO" sabi nya.
"Jimin kung mahal mo talaga ako, bakit ka pa gumawa ng mga bagay para iwasan ako" tanong ko.
"Ginawa ko yun dahil nakokonsensya ako dahil nasaktan kita, at ayokong malaman mong ako yung nakachat mo kaya hanggat maari iwas na iwas ako sayo"
"Jimin anong proweba mo na mahal mo talaga ako?"
"Kailangan ko pa ba ng proweba? Di pa ba sapat na niligtas ko ang buhay mo nung mababagsakan ka na ng chandelier at sigawan ang mga nurse para lang maidala ka sa VIP room kung saan nakilala mo si Aries?"
Okay, wala na akong masasabi pa Jimin, tatawa nalang ako, kinikilig ako.
"Nung sinabi mong tumigil na ako dahil susuntukin ko pa si Aries, tinigil ko para sayo. Nung sinabi mong bagay kay Aries yung silver gray na buhok, nagpakulay rin ako ng Silver gray baka sakaling bagay rin sakin at mapansin mo ko, kahit alam kong mahal na mahal mo ko yiee hihi, at yung binigay mong box ng chocolate nakatago lang sa damitan ko yun, at handa akong ipaglaban ang armchair mo para lang makatabi kita, naalala mo rin ba nung bago mag prom, tinanong ko kung anong kulay ng gown mo, tinanong ko yun para alam ko kung anong kulay ng necktie ang kukunin ko, dahil gusto ko parehas tayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/92204582-288-k168322.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Square 💖 [COMPLETED]
Fanfic"Ano nga bang mangyayari kung malagay ka sa sitwasyon ng Love Square? Kakayanin mo kaya o susuko ka agad? Kung ako ang tatanungin, syempre hindi. Ipaglalaban ko kung ano ang dapat sakin."-- Mina