G R A D U A T I O N D A Y
[LISA POV]
Wag kayong excited masyado dahil sa title ng chapter nato. Wala pang graduation.
Dahil may clearance pa mga baliw! Ayoko na iiyak na ako ng dugo kakasulat dito ng mga notes na kulang ko.
"Wag ka ngang bumusangot dyan" sita ni Pandak sakin. Sino pa bang pandak ang tinutukoy ko, kundi si Jimin.
"Ulul manahimik ka, mas matangkad ako sayo" sabi ko sa kanya.
"Usapang height nanaman" sabi nya at napakamot sa ulo.
"Anong oras na di ka pa ba uuwi? Iwan mo nalang mga notes mo dito" sabi ko sa kanya.
Anong oras na kaya, 10 na ng gabi, tas andito parin sya sa kwarto ko. Oo kasi nag susulat kami, andami dami naming sinusulat, pano kasi buong school year wala kaming ibang ginawa kundi mag ululan at tamarin mag sulat.
"Pinapauwi mo na ako?" malungkot nyang tanong.
"Anong oras na kaya, baka sabihin ni Maam Rita inuuwi na kita dito sa bahay" sabi ko.
"Hahayaan mo nalang ba akong umuwi ng gantong oras? Paano pag ni rape ako ng mga fangirls ko sa labas?"
"Jimin, walang mang ra-rape sayo. Okay?"
"Paano wala? Bumalik na kaya yung abs ko"
"PARK JIMIN!?"
"Ano?"
"WAG MO SABIHING GINUGUTOM MO NANAMAN SARILI MO PARA LANG SA ABS NA YAN!?"
"Sorry na po" sabi nya saka yumuko.
Niyakap ko naman sya at inamoy ang batok nya, oo ambaho, joke lang. Ambango sobrang bango kahit pinagpapawisan na sya, kala mo yung pawis nya fragrance oil.
"Wag mong ginugutom yung sarili mo para lang sa ABS, kahit wala ka ng ABS, HOT ka parin tignan para sakin. Kahit mataba ka pa mamahalin kita" sambit ko.
"So pwede na akong matulog dito?" bigla nyang tanong.
"Gago ka ba, gusto mo sakalin ka ni Kuya?"
"Okay lang, handa naman akong masakal, makatabi ka lang" sambit nya at ngumiti.
"Hindi pwede" madiin kong sambit.
"Lisa katabi lang kita matulog, yun lang yun" sabi nya
BINABASA MO ANG
Love Square 💖 [COMPLETED]
Fanfic"Ano nga bang mangyayari kung malagay ka sa sitwasyon ng Love Square? Kakayanin mo kaya o susuko ka agad? Kung ako ang tatanungin, syempre hindi. Ipaglalaban ko kung ano ang dapat sakin."-- Mina