HI GUYS 😍 eto na yun. Pagbubutihin ko na po. Hahahahaha lols.
PS. SORRY SA MGA UMASA SA JUNGKOOK'S APARTMENT. PERO DITO DI KO NA KAYO MULING PAPAASAHIN 😂 #Fuckboi
------------------------
[AUTHOR's POV]
"JIMIN!" sigaw ng isang babae na nag ngangalang Lisa ang mukhang baliw na tumatakbo sa hallway.
"Excuse me" sambit nento habang dumadaan sa napakaraming estudyante sa hagdan.
Uwian na kaya naman dali dali syang bumaba ng hagdan para lang habulin si Jimin.
Eto na kasi ang araw na magpapahalata na sya kay Jimin na gusto nya ito. Kaya nakakalokang paghahanda ang ginawa nya.
Nang makarating sya sa gitna ng field kung saan dumadaan ang mga estudyante bago makalabas ng gate ay nakita nya si Jimin na nag aabamg sa mga tropa nya.
Napabuntong hininga si Lisa sabay ngiti at agad nilapitan si Jimin.
"Jimin, para nga pala sayo" nakangiting sambit ni Lisa saka binigay ang isang box kay Jimin.
"Huh? Para saan to?" tanong nya.
"Wala. Sige bye, uuwi na ako!" pag papaalam ni Lisa at umalis na.
Takang taka naman si Jimin kaya binuksan niya na ang box at nakita ang mga tsokolateng nakahugis puso.
"OY JIMIN ANO YANG HAWAK MO!?" bungad ng mga tropa nyang kakarating lang.
"Wow! Chocolate!" sabi ni Jin at mas mabilis pa sa alas kwatro na dumukot sa box.
"Uy pahingi din ako!" papahuli pa ba si Yoongi.
At nagkuhanan na silang lahat.
"Ansarap ah, saan mo 'to binili?" tanong ni Namjoon.
"Hindi ko 'to binili, binigay sakin to ni Lisa" sagot ni Jimin.
"Galing kay Lisa? Bakit ka naman bibigyan nun ng ganto?" tanong ni Taehyung.
"Baka naman may gusto sayo yun Jimin?" sabi ni Hobi.
"Oo nga, di ka naman bibigyan nun ng ganto kung wala syang gusto sayo eh" sabat ni Taehyung.
![](https://img.wattpad.com/cover/92204582-288-k168322.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Square 💖 [COMPLETED]
Fanfic"Ano nga bang mangyayari kung malagay ka sa sitwasyon ng Love Square? Kakayanin mo kaya o susuko ka agad? Kung ako ang tatanungin, syempre hindi. Ipaglalaban ko kung ano ang dapat sakin."-- Mina