t h e p r o m
[ARIES POV]
Uuwi na dapat ako dahil tutal tapos naman na ang klase, kailangan kong umuwi ng maaga kasi aayusin ko pa sarili ko para bukas, dahil prom na namin kailangan ako pinaka gwapo sa lahat ng gwapo. Naks naman, tsaka isasayaw ko si Lisa kaya dapat maayos akong tignan.
"Hoy Aries!" sino yung tumawag sakin,
napalingon ako sa likod ko at nakita kong tumatakbo palapit sakin si Hoseok."Uy, ikaw yung kabayo diba?" turo ko sa kanya. Agad namang sumimangot ang mukha nya.
"Pag ikaw di pa tumigil ng kakatawag sakin ng kabayo, magiging kabayo talaga ako" banta nya
"Kabayo" sabi ko.
Hindi naman sya naging kabayo ah
Imbes na patulan pa nya yung sinabi kong kabayo sya ay inakbayan nya ako saka kami nag umpisang maglakad."Tangina mo, pasalamat ka kailangan kita" nakangiti pero naiinis na nyang sambit.
"Teka, saan mo ko dadalhin?" tanong ko.
"Sumunod ka nalang" irita nyang sabi
Hanggang sa makarating kami sa playground kung saan andun ang mga kaibigan nya na mine-murder na yung slide.
Konting nalang matutumba na yung slide dahil sa kanila.
Nang makita kami ng isa sa kanila, wait lang alam ko pangalan neto eh kaso nakalimutan ko lang.
Sya yung lasing na lasing nung birthday ni Lisa eh. Yung nakatulog sa mesa
Tae-Taehyung ba yon?
"Andyan na pala kayo" sabi nya at lumapit samin.
"Ay hindi picture lang namin to, wala pa kami, paparating palang" pang sasarkasto ni Hoseok.
"Ikaw talaga, ginagaya mo nanaman yung kakambal mo" sabi nya.
"Sino?"
"Si Vice Ganda. BOOM PANES!" sigaw ni Taehyung at tumabko.
"Tch, kala naman nya hahabulin ko sya" sabi ni Hoseok at lumapit na sa mga kaibigan nya
Sumunod naman ako sa kanya at ng makita kami ng mga kaibigab nya nagsi lapitan na sila dito.
Lahat sila andito maliban lang kay Jimin.
"Kailangan namin ng tulong mo" sabi ni Hoseok.
"Para saan?" tanong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/92204582-288-k168322.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Square 💖 [COMPLETED]
Fanfic"Ano nga bang mangyayari kung malagay ka sa sitwasyon ng Love Square? Kakayanin mo kaya o susuko ka agad? Kung ako ang tatanungin, syempre hindi. Ipaglalaban ko kung ano ang dapat sakin."-- Mina