CHAPTER 3

401 25 6
                                    

i t s  c o m p l i c a t e d

[MINA POV]

Malapit na akong makarating sa phase 4, konting tiis nalang Jungkook, di ako aalis dyan sa bahay nyo hangga't di naaayos ang problema natin.

Di pwedeng hanggang dun nalang yung friendship natin, walang masasabing friendship over pisti.

Nang makarating na ako sa gate nila Jungkook agad akong bumaba at iniwan nalang ang bike ko sa labas saka ako pumasok sa loob.

Kumatok ako ng katulad kay Anna sa do you wanna build a snowman. Pag ganun ang katok ko alam nyang ako na yun.

"Jungkook?" tawag ko sa pangalan nya.

Pero walang sumasagot. Imposible, nakapasok nga ako sa gate nila eh.

"Jungkook buksan mo to!" sigaw ko.

Dahil ayaw nyang buksan, di ko na napigilan ang sarili ko na sipain yung pinto. Para lang buksan nya.

Bumukas ang pinto at nakita ko si Jungkook na may galos sa braso.

"Teka anong nangyari dyan? Kanina sa school wala ka namang galos ah?" tanong ko at akmang hahawakan ang braso nya ng iniwas nya ito.

"Ano bang pinunta mo dito?" kalmado pero may inis nyang tanong.

"Di ba pwedeng papasukin mo muna ako sa loob para makapag usap tayo ng maayos?"

Wala naman syang nagawa kaya pinapasok nya rin ako sa loob at umupo ako sa sofa.

"Jungkook bakit di mo ko nirereplyan sa mga chat ko sayo kanina?" tanong ko.

"On game ako" simple nyang sagot at napakamot pa sa ulo.

"On game!? Tangina naman Jungkook. Napaka importante nalang ba ng laro na yan at di mo manlang mareplyan yung mas IMPORTANTE kong chat?"

"Ano bang importante dun?" tanong nya.

Bwiset Jungkook, BWISET.

"Yung friendship natin Jungkook, yung mahalagang friendship natin na sinisira mo na ngayon!" sigaw ko.

"Friendship? Pinagsasabi mo Mina?"

Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. "Yan ba ang magandang naidudulot ng pag sali mo sa gang"

"Wag mong dinadamay dito yang bagay na yan Mina" madiin nyang sambit.

"At bakit? Diba naging ganyan ka lang simula ng sumali kana sa gang at pinagsisisihan ko ngayon na pumayag ako na sumali ka dyan" sambit ko.

"Pumayag ka man o hindi, sasali parin ako." walang ekspresyon nyang sabi.

Natahimik nalang ako dahil di ko akalain na nagkakaganto na kami ngayon. Parang di ko na kinakaya yung nangyayari samin.

"Paano mo nasasabi yan?" naluluha kong tanong sa kanya.

"Tigilan mo nga ako sa paluha luha mo Mina, umalis ka na dito wala akong panahon sa mga kadramahan mo--"

Nang dahil dun sinampal ko na sya.

"Pwes, wala na din akong panahon sayangin ang oras ko sayo" sambit ko at umalis.

Pinunasan ko ang luha ko at tinayo ang bike ko.

Pero bago ako umalis tumingin muna ako sa pintuan kung saan nakatayo si Jungkook at nakatingin sakin.

Saka ako umalis.

Ansakit sakit Jungkook, gago ka, anong kinain mo at naging ganyan ka na sakin?
Wala na akong masabi, tapos na siguro tayo, hanggang dito nalang.
Pagod na ako intindihin ka. Sarili ko naman ang iintindihin ko ngayon.
Bahala ka na kung anong gusto mong gawin. Ayaw na kitang kausapin o pansinin.

Love Square 💖 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon