LAST CHAPTER

365 11 19
                                        

[LISA POV]

Masaya kaming kumakain ni Jimin, nang marinig ko ang ring ng cellphone ko. Agad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Lisa anak, asan ka?"

"Andito lang po sa bahay, kasama ko po si Jimin"

"Is it okay kung pumunta ka muna dito ngayon sa Building A?"

Building A, ang tawag namin sa meeting place ni Papa at ng mga ka-business partner nya from other companies, at sa pagkakaalam ko, pinapapunta nya nanaman ako dun para ipakilala sa mga ka alyado nya.

"Sige po, papunta na kami" sambit ko.

"Wait lang anak, pwede ba na wag mo munang isama si Jimin?" pagkasabi nun ni Papa, napatingin ako kay Jimin na saktong tumingin din sakin

"Okay Dad, bye" pagkababa ko ng tawag agad akong tinanong ni Jimin.

"Anong sabi ng Papa mo?"

"Pumunta daw ako sa Building A"

"Ganun ba, samahan na kita"

"No, stay here"

"Why? Ayaw mo bang samahan kita dun?"

"Di na kailangan Jimin, dito ka nalang, babalikan kita"

Tumingin nalang sya sakin at wala ng ibang nagawa kundi bumuntong hininga.

-----------------------------

Pagkababa ko ng kotse ay pumasok na ako sa loob ng building A, pinagbuksanan at binati ako ng mga tao.

Sumakay na ako sa elevator, sabay press ng pinakamataas na numero.
Dahil sa pinakataas pa ang office ni Papa.

Pagtapos ng ilang minuto ay bumukas na ang elevator saka ako lumabas. Deretso agad ako sa office ni Papa.

Hinawakan ko na ang door knob at---

[ARIES POV]

Pagkalapag ng eroplanong aming sinasakyan ay dumeretso kami nila Ate Bimbim sa pinakamalapit na hotel, saka kami dun nag pahinga saglit saka nag prepare for the special day.

At

Nandito na kami ngayon sa loob ng opisina ni Mr. Grande, ang ama ng babaeng papakasalan ko. Kinakabahan ako, pinagpapawisan ng malamig.

"Mr. Grande andito na po si Maam Lisa" pagkasabi ng secretary agad akong nakaramdaman na parang sisinukin ako.

Napatingin ako sa pintuan na unti unting bumukas at pumasok ang isang babae na may dilaw na buhok at mapupulang labi.

Lisa. Ikaw na ba yan?

[LISA POV]

Pagpasok ko sa loob ay sinalubong ako ni Papa ng yakap. "Anak, may surpresa ako sayo" pagkasabi nun ni Papa ay hinatid nya sa pinaka main office nya at andun ang isang babae na nakatalikod at nakatingin sa may salamin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Square 💖 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon