Chapter 15

363 16 10
                                    

t h e  t r u t h  & k i s s

[LISA POV]

Ano to?

Ngayon may hinala na ako kung ano ba talaga ang pagkatao ni Aries. Pero malalaman ko rin yan mamaya.

"Wag kang mag alala, malalaman mo ang lahat mamaya" sabi nya at nginitian ako. Teka nababasa nya ba ang isip ko?

Napatingin naman ako sa mga matataas na building mula dito sa taas grabe Ang ganda ng view. Wow lang.

"Lupet noh" sabi nya.

Tumango nalang ako at tumingin ulit sa magandang view.

"Young mas----" --Pilot.

"Aries hahaha, opo Aries po hahaha. Ano po yun?" sambit nya

"Sir Aries, malapit na tayo" sabi nya.

Young Master? Tama ako diba? Young master ang dapat itatawag nya kay Aries? Hala ano to?

Di kaya?

Hala. Wait lang kailangan ko ng oxygen.

Lumapag na ang helicopter sa tuktok mismo ng mall. Grabe. Totoo ba to? Sya ba ang batas? Bakit pwede kami dito sa tuktok ng mall?

Bumaba akong tulala at di makapaniwala sa mga nangyayari, di ko namalayan na umalis narin pala ang helicopter.

Aries anong ginagawa natin sa tuktok ng mall?

"Lisa ayos kalang ba?" tanong nya sakin.

"Nalulula ka ba?"

"Lisa?"

"Uy?"

Nawala ang pagiging tulala ko at tumingin sa kanya.

"Pwede bang sabihin mo na sakin kung sino ka?" tanong ko at tinitigan sya ng mabuti sa mata. Sino ka ba talaga Aries?

"Lisa, kung yan ang gusto mo, sige makinig ka" saka sya pumunta sa pinakataas na parte nitong rooftop.

Sumunod naman ako sa kanya. Hindi naman ako takot sa matataas na lugar, katunayan nga nyan yun pa ang paborito kong gawin eh.

Umupo kami at tinignan ang mga tao sa ibaba na kasing liit na ng mga langgam.

"Naalala mo ba nung nasa canteen tayo? Yung sinabi kong ako ang anak ng may ng school?"

"Oo, sabi mo biro lang yun."

Mag rereact na dapat ako ng magsalita ulit sya.

"Totoo yun, kaya nga tinanggap parin nila ako kahit 2 months nalang ay closing na, ginawa ko lang biro ang lahat dahil ayokong mag iba ang pakikitungo mo sakin, pinili kong tumira sa mga pinsan ko, kahit babae silang lahat maayos naman ang pag aalaga nila sakin. Di ko close mga magulang ko kaya laging wala ako sa bahay. Si Garfield, importante sakin ang pusang yun dahil binigay sya ng kuya kong namatay. Ngayong alam mo na ang katotohanan, alam kong magagalit dahil tinago ko sayo ang lahat" paliwanag nya.

Love Square 💖 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon