CHAPTER 4

369 25 5
                                    

a w k w a r d  / p a r t n e r

[MINA POV]

Pagtapos kong ayusin ang sarili ko. Kinuha ko na ang bag ko at sabay na kami ni Kuya Hoseok pumasok ng school.

Dapat si Jungk--- I mean dapat masanay na akong kami ni Kuya ang magkasabay pumasok sa school.

"Grabe iyak ni Lisa kagabi" sambit ni Kuya.

"Kaya nga eh, ako yung kinabahan dahil sa mugto ng mata nya" sabi ko.

"Nga pala, bakit daw sya umiiyak?"

"Si Jim--" napatigil ako dahil di ko pala pwedeng sabihin na gusto ni Lisa si Jimin.

"Jim? Sino yun?"

"Ahh wala wala. Hahahaha"

"Sino nga?"

"Si Jim, yung aso niya namatay" sambit ko nalang.

"Aso? Eh diba takot sya sa aso, paano sya mamamatayan ng aso?" pagtataka nya.

"Basta, wag mo ng tanungin!" inis kong sabi at nauna ng naglakad.

"Hoy saglit lang Mina!" sigaw nya sakin pero di ko nalang pinansin at nag para na ako ng trycicle saka sya iniwan.

Ansama ko ba? Okay lang yan, kaya nya naman tumakbo eh, kabayo ata yan.

Sakto pag pasok ko ng gate sakto rin na nag ring yung bell, hudyat na magsisimula na ang madugong klase.

Pagpasok ko sa aming silid, si Jungkook agad ang nakita ko at sakto na nakatingin din sya sakin pero di nya lang ako pinansin. Kaya umupo nalang ako sa tabi nya. Seatmate ko sya eh.

Tahimik lang kaming dalawa kaya naman nag flashback nanaman sa utak ko yung mga nangyari kagabi.

"Bakit kaya di sila nagpapansinan?" rinig kong pinag uusapan kami ng iba ng kaklase.

"Ewan, nag away ata?" di siguradong sagot ng isa ko pang kaklase.

Kaya naman nilingon ko na sila saka sila umayos ng upo sakto naman dumating ang first subject teacher na si Maam Franie.

"Goodmorning class! Today is the perfect weather para sa outdoor activity natin" sambit ni Maam.

Nilapag nya ang mga gamit nya sa teacher's table saka nag sulat sa white board ng "Chacha"

Sasayaw kami!?

"Maam, paano kami sasayaw?" tanong ng isa naming kaklase.

"Try mong matulog baka makasayaw ka" pamimilosopo ni Maam kaya nagtawanan kami maliban lang kay Jungkook na tila di tinablan sa sinabi ni Maam.

"Okay, ipag-pa-pair ko kayo. Or should I say, kayo na ang bahala pumili ng partner nyo" sambit ni Maam na agad kinaingay ng buong klase.

Tuwang tuwa ang lahat dahil sa mga pair nila pero kami ni Jungkook ay nakaupo parin.

"O kayong dalawa, ano pang ginagawa nyo, tutal bff kayo, kayo na ang mag partner" sambit ni Maam samin kaya napatingin ako kay Jungkook na walang ekspresyon ang mukha.

Love Square 💖 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon