Chapter 3 : Introduction

21.7K 370 20
                                        

EDITED

"Ms. Salazar? Pati rin ikaw tulala?" Sabi ni Ma'm Julie habang kinakaway ang kamay niya sa mukha ko. Dun lang ako nagising sa pag katulala ko

Ano raw pati rin ikaw tulala? Sino ba yun tulala na sinasabi niya?

Nakita kong hawak ni Ma'am Julie sa braso si ..

"Lexi/Raven ?! " Sabay naming sabi ni lexi

"Mag kakilala kayo Ms Salazar at Ms Dela Mercid ?" Gulat na tanong ni Ma'am Julie. Nakilala namin si Ma'am Julie nung tinanong namin siya kung saan kuhaan ng schedule Anyways back to the present

Tumango naman kami ni lexi

"Kanina pa kayo tulala ah. At kanina pa kayo late, kaya punta na kayo sa klase nyo. Dali, dali"
Sabi ni Ma'am Julie. Buti hindi siya teror kundi detention agad kami ni lex

"Salamat po Ma'am julie!" Tuwang tuwa na sabi namin kay Ma'am Julie

Pagkatapos nun tumakbo na kami ni Lexi papunta sa klase. Alam na namin ni lexi kung saan ang room namin dahil nakuha namin ang schedule last week

Pag bukas namin ng pinto. All eyes on us pati narin si Sir Richard

"Ahh, Ms Salazar at Ms Dela Mercid, why are you late?" Sabi ni Sir Richard samin ni lex. Nakilala namin ni lexi si Sir Richard nung kukunin namin ang schedule namin sakanya

Anyways back to the present Again. Naglatinginan naman kaming dalawa ni lexi. She gave me a You-do-the-honor look niya kaya ..

"Sir N-na t-trafic lang po kami ni lexi k-kasi po m-may car accident po" sabi ko. Galang ko no? Dami kong po xD

"Na traffic daw" rinig kong bulong n-ng s-si kuya?! Eh?! Bakit siya nandito?!

"Is there a problem Mr. Del Galego?" Sabi ni sir richard

Nanigas ako ng marinig ko ang tawag ni sir richard sa kumuha ng cp ko

MR. DEL GALEGO!?

DEL GALEGO?!?!

NAG AARAL AKO SA DEL GALEGO UNIVERSITY SA PAG KAKAALAM KO PERO ANG HINDI KO ALAM ANG SINASAGOT SAGOT KO KANINA ANG .. ANG MAY ARI NG ESKWELAHANG TO!

Tinignan muna ako ni kuya at binigyan ng napakalapad na ngiti bago sabihin ito"Ah, wala po sir"

Tinignan din ni lexi si kuya, at nakita kong nanlaki rin ang mata niya nangmakita niya si kuya or yun kaharap nito!? Ehh?! Sino yun?! Magkakilala sila?! Matanong nga mamaya

"Ahh, oh sige. Ms Salazar at Ms Dela Mercid find your seats" Sabi ni Sir Richard

Tumango nalang kami ni lexi tsaka nilibot ng mata namin kung saan may bakante

Kung minamalas ka nga naman. Ang may bakante ay yun katabi ni kuya na kumuha ng cellphone ko. Aishh

Nakita ko namang nanlaki rin ang mata ni lexi sa isang pang bakanteng upuan at ang katabi niya ay yun kanina niya pang tinitingnan. Ganito kasi posisyon

Ako/ - /kuya na umagaw ng cp ko

Lexi/ - /kakilala ata ni lexi

Bale kaharap ko si lexi at katabi ko si Mr. Del Galego

Ayun nga, so nakaupo na kami ni lex.

"Nandito na ba lahat?" Tanong ni sir richard pero walang sumagot saamin

"Okey, sa tingin ko nga nandito na lahat. Alam kong magkakakilala na kayo pero kailangan nyo paring mag pakilala kasi may bago ring studyante dito kaya pumunta na muna sa harap ang may gusto maunang mag pakilala " Sabi ni sir Richard

Nag bulungan muna ang iba bago pumunta sa harap para magpakilala

"Hi my name is Kyla Valenciano, Im 17 years old."

"Hi. My name is Elrah. Nice to meet you new students"

"My name is Kim Cruzada, Im 17 years old "

"My name is Alfonso Dela Cruz Im 17 years old"

"Ugh. Melody Samson. Bye"

At madamingdami pa. After 100 year, kami na ni lexi ang sunod

Nasa harapan na kami

Pinauna ko muna si lexi kasi medyo na iilang ako sa harap ng madaming tao. Hindi ako sanay

"Hi, My name is Lexi Noreen Dela Mercid, Im 17"sabi ni lexi habang naka cross arms siya

Galing naman ni lexi. Hindi siya nauutal or na iilang. Hmp

Ayan na. Ako na sunod. Kaya mo yan raven, think possitive

Napabuntong hininga muna ako bago sabihin ito

"My name is Raven Ashley Salazar , im 17 "sabi ko habang medyo hindi makatayo ng maayos pero, yes! Nagawa ko ng hindi na uutal. Haha

Pag katapos namin ni lexi mag pakilala, akala namin tapos na pero may natira pa palang dalawa. Ayun ay yun dalawang Del Galego

Ang nauna ay yun kanina pang tinitingnan ni lexi este kakilala ata?

"My name is Kristian Michael Del Galego, im 17 years old . And this one here " tinuro ni Michael si kuya na kumuh-- ahh basta alam nyo na yun! "Is my cousin "sabi ni michael. Nanlaki ang mata ko nang marinig ko iyon pero agad na akong naka get over kasi alam ko na namagkapareho sila ng apilyedo at halata naman kasi medyo mag kamukha sila .

"Jamil Paolo Del Galego" lahat kami maghihintay sa susunod niyang sasabihin pero wala na pala

"Well, okey, you may now sit down Mr. Del Galego and know let's start our lesson" Sabi ni sir richard. At ayun nga nag start na kami ng lesson

Ang lesson namin kay Sir Richard ay English. Kaya medyo na hihirapan ako, medyo lang ha, medyo!

After 100 years, lunch nanamin. Pumunta kami ni lexi sa canteen para bumili ng lunch namin

Pupunta palang kami ni lexi sa pila ng my 2 na lalaki ang lumapit saamin

"Hi ladies, my name is Josh Mendoza, Im 17 years old and also single" Sabi ni josh samin. Yuck!

"My name is Kenneth Valdez , but you can call me ken for short , Im 17 years old and btw single " sabi ni kenneth

Ano bayan! Nag pakalalaki na nga kami. Pinagupitan ko na ng maikli ang buhok ko tapos may lalapit paring mga lalaki!? Ano bayan! Kailan to titigil?! Nakakakilabot na ah! At ang bata bata pa ganyan agad ugali. Lalandi!

"Hi! Bye!" Pag tataray na sabi ni lexi. Aba't naunahan ako. Duga naman. Hmp

Lalakad na sana kami ni lexi palayo ng hinarangan nila ang daanan namin

Napatingin naman kami ni lexi sa dalawang kumag ng masama kaya agad napaatras ang dalawa at itinaas ang kaliwa at kanan nilang kamay

Ang Girlfriend kong TomboyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon