Speciel Chapter 3

6.4K 116 0
                                        

"Im sorry"

Nagising si JP ng marinig niya ang pagbukas at pagsarado ng pintuan ng kwarto niya. Kinusot niya ang mata niya at bumangon

Dahan dahan niyang binuksan ang pinto. Bumaba siya sa kusina. Nakita niya ang kapatid niya na may kinukuhang pagkain sa rep.

Pinili niyang tumahimik nalang at magtago sa sulok

Sinarado na ni Andre ang bag at naglakad sa may pinto. Lumingon lingon muna siya bago lumabas

Sumunod si JP sakanya hanggang sa makadating sila sa gate. Tulog ang mga guard ngayon kaya hindi sila nahuli

Sumakay si Andre sa kanyang motor at umalis na

"Nasaan si Lianna?! Ilabas niyo siya dito!"

Sumugod si Denese sa mansion nila JP

Nagsagutan ang mga magulang habang si Jp ay hindi maintindihan ang mga nangyayari

Napansin ni JP ang batang babae na umiiyak sa tabi ni Denese. Naawa siya kaya niyaya niya itong maglaro

"Hi!" -Raven

Nakatungo lang si lexi. Napasimangot si Raven ng hindi siya sagutin. Lumapit nalang siya kay JP na kanina pa sila pinapanood

"Nasaan si Kuya Andre?"

Narinig ni lexi ang usapan ng dalawa kaya inangat na niya ang ulo niya

"Masama siya! Kinuha niya ang ate ko!" Umiyak si lexi

"H-hindi yan totoo!" Umiyak na din si Raven.

Tinakpan ni JP ang tainga niya " Ang ingay nyo! Tama na!"

"Paoooo!" Napalingon ang tatlo kay Michael na may hawak na bola

"Wow! Daming chix!"

Naging magkaibigan ang apat ng umalis na si denese at si lexi

Umuwi nadin si Michael kasi daw wala na siyang kapartner

"Paulene, nagugutom ako" sabi ni Raven habang hawak ang tiyan

"Anong gagawin ko?" -jp na busy sa lego niya

"Kain tayo" sabay hila kay Jp. Napakamot nalang ng ulo si JP

Binigyan sila ng katulong ng cococrunch at gatas

"Ano, wala parin?"

"Nasaan na ba sila?!"

"Bakit ayaw niyang sumagot?! Tang"

Nagsagutan ang magasawa. Nagkatinginan sila JP at Raven

Nalulungkot si Jp na makita ang magulang niyang nagsasagutan kaya lumapit siya sakanila

"Mom, daddy. Huwag na po kayo mag away"

Ginulo gulo ni Kyle ang buhok niya sabay upo sa couch. Si jannah naman ay pumikit

"Mom, dad--"

"You know what? Why don't you go outside and play. Doon ka naman magaling eh! Kaya wag ka nang maki alam!" -Kyle

"Kyle!" -Jannah

Nagsimulang tumulo ang luha ni JP. Humagulgol siya at lumabas ng mansion. Nakita yon ni Raven kaya sinundan niya siya

Hinanap ni Raven si JP na umiiyak sa ilalim ng puno. Tinignan ni Raven ang dala niyang bowl na laman ay cocorunch na may gatas. Tumabi siya kay JP..

"Pao, kain ka muna" pero umiiyak parin si Jp. Napakamot sa ulo si Raven at nilapag ang bowl. Niyakap niya ang kaibigan ng mahigpit

"Sorry ah. Kung hindi ako nagutom baka hindi ka umiiyak ngayon" dahan dahang tumigil ang iyak ni JP. Tinignan niya si Raven na ang sobrang lapit ng mukha. Hindi si Raven nakaharap sakanya kaya hindi niya nakita ang pamumula ng pisnge ni JP

"Hinde. Ok lang" bumitaw na si Raven sa pagkakayakap

"T-tara laro nalang tayo"

At nag laro na nga sila. Sabi ni Raven mag laro sila ng patintero pero ang sabi ni JP na onti lang tao

"Edi wag"- raven sabay upo sa ilalim ng puno

"Uy joke lang" pero hindi sumagot si Raven. Napakamot sa ulo si JP at nag hanap ng bato na pwedeng pangsulat

Nakahanap siya pero hindi naman siya marunong ng patintero

"Nasaan na ba si Kuya?"-JP. Si Andre kasi ang gumuguhit pag nag lalaro sila patintero

Nawalan ng pag asa si JP kaya umupo nalang din siya sa tabi ni Raven

Kumakain ngayon si Raven ng dala niyang bowl na cococrunch

Pinagmasdan ni JP kung paano kumain si Raven. Natandaan niya kung kailan sila umpisang nag kakilala. Sa puno..

Tinignan ni JP ang puno na sinasandalan nila. Tumayo siya at sinubukang mag sulat doon

"Shunga! Bakit bato ginagamit mo? Dapat stick!" Sabi ni Raven at kumuha ng stick

Sinulat niya ang letrang A. Kasi hindi pa niya alam kung paano isulat pangalan niya kahit 8 years old na sila ngayon. Nakigaya si JP. Hineram niya ang stick at sinulat ang letrang J at P

Nasa kalahati na siya sa pag drawing ng heart ng pigilan siya ni Raven

"Hey hey hey. Bakit my heart diyan?"

"Design?"

"Ok" i dodrawing sana ulit ni Jp ang heart ng sumigaw si Raven

"Wait!"

"Oh?!"

"Ako nalang" inabot ni Jp kay Raven ang stick at siya na ang nag drwaing ng kalahating puso

"Wow" sila Raven at Jp

"Ay! May kulang!" Napakunot noo ni JP

"Saan?"

"Akin na nga yan" kinuha ni Raven ang stick at may dinrawing sa gitna ng mga letra

"Ayan!"

Namula si Jp ng makita ang dinrawing nila. May alam na si Jp kung ano ibigsabihin ng heart na ginawa nila. Si Raven naman ay hindi alam. Ang alam niyang heart ay yung design habang si JP naman ay totoong puso. Ang pagmamahal..

Ang Girlfriend kong TomboyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon