Lumipat na ng school si Alfred ng mag grade6 na siya kaya medyo hindi na sila close ni Andre
Pero mag bff naman sila JP Ashley at Andre
"Hindi! Dapat ashton eh! Para panglalaki!" -Jp
"Ayoko nga! Sira kaba?" -ashley
"Di ah. Hindi ba sabi mo one of the boys ka? Eh bakit ayaw mo palitan pangalan mo?" -Jp
Walang tigil ang pagsagutan nila ng pumagitna si Andre
"Oh! Para walang away, mag papalit nalang din kami ni PaoPao. Pao! Remember, be a gentleman"
"Luh!"
"Yehey!"
"Gusto ko pangalan ni Paolo ahm.. Paulene! Kapareha mo pangalan ng classmate ko!" Sabay palakpak. Natawa naman si Andre habang si Paolo nakasimangot
"Wait! Ako gusto ko pangalan ko Andrea! Kasi crush ko si Andrea Brilliantes eh!" - Andre
"Hmp" -Ashley
Natawa si JP sa reaction ni Ashley. Nagsagutan ang dalawa. Natigil lang sila ng tumunog ang cp ni Andre
"Haha. Guys. Alis muna ako.. ahm m-may pupuntahan ako eh"
"Saan? Pwede sumama?"
"Huh? Huwag na. G-gagawa lang kami project ng mga k-kaklase ko. Kayo nalang muna maglaro. Bye"
"Tsk. Uwi na nga ako" aktong aalis si Raven ng tawagin siya ni JP
"Agad agad? Kakaalis lang ni kuya ah. Iiwan mo agad ako?" Sabay pa cute
Natawa si Raven at nilapitan ang kaibigan sabay pisil sa magkabilang pisnge
"Sige na nga~"
"Oh, saan kayo pupunta?" Tanong ni Jannah ng makitang lalabas ang dalawa
"Backyard lang mom. Maglalaro kami"
"Oh. Anong gagawin natin?" nakahalukipkip si Raven
"Ahm.." natigil sa pagiisip si Jp ng may pumasok sa utak niya
"Sandali lang" sabay akyat. Aktong bubuksan niya ang pinto sa kwarto ni Andre ng nakalock pala ito
Kumuha ng ballpen si JP saka pinasok sa butas. Nabuksan niya ang pinto at hinanap ang apat na gulong
Nahanap na niya ang skateboard ng kuya niya at bumaba
"Ang bigat!" Reklamo ni Jp at padabog na binaksak ang board sa harap ni Raven
Parang kuminang ang mata ni Raven ng makita niya ang skateboard. Kinuha niya iyon at pinaikot ang gulong
"Wow! Hindi ba kay Andrea to? Akala ko ba bawal natin pake elaman ang gamit niya?" Nag iwas ng tingin si JP. Hindi niya sinagot ang tanong ni Raven
"Pwede ko bang sakyan to?"
"Siyempre naman!"
Namangha si JP sa galing ni Raven sa pagskateboard. Kahit sa nakatayo lang at nagpadyak padyak palang ang kaya ni Raven, nagawa niya paring patuluin ang laway nito
Natawa si Raven ng malamang hindi pala marunong ang kaibigan niya. Tinuruan niya si JP, nagkatuwaan sila pero may umiyak din..
"Masakit" -JP habang hawak ang tuhod niya. Wala namang sugat doon pero mamula mula ito at nagiging pasa na
"Ano ka ba? Isang pasa lang yan! Tignan mo nga yon akin oh, oh" sabay pakita ng paa
"Ay.. wala na pala... Pero dati meron!" Sabay baba ng paa
"Eh! Ayoko na" sabay upo sa ilalim ng puno
"Basketball nalang!" Yaya ni JP pero inirapan lang siya ni Raven
"Eh! Bahala ka diyan!"
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend kong Tomboy
Teen FictionLahat tayo may dahilan. Lahat ng bagay may kahulugan. May malalim at may mababaw. Hindi sila bitter dahil tapos na iyon at wala na silang magagawa. Ang gusto lang nila ay mag bagong buhay. Bagong itsura at sarili Raven Ashley Salazar Jamil Paolo Del...
